Chapter One

3.5K 37 3
                                    

"GOOD morning, Pearl, my precious gem!"

          Muntik nang buhusan ni Pearl ng umuusok na kape ang nakangising mukha ni Zedric nang agad itong bumugad paglabas niya ng bahay papuntang verandah. Umagang-umaga, nandito na naman ang binata sa bahay niya. At sira na naman ang araw niya!

          "Paano magiging good ang morning ko, kung ikaw ang una kong nakikita?" pagtataray niya. "You're being unfair, Zedric."

          He giggled. "Well, pwede naman nating gawan ng paraan 'yan..."

          Tumaas ang isa niyang kilay. "Ewan ko sa 'yo. At pwede ba, 'wag kang ngumisi nang ganyan dahil nagtataasan lahat ng balahibo ko sa katawan!"

          "Lahat?" mangha pa nitong tanong.  

          "Manyak! Kinikilabutan ako sa 'yo!"

          Tatawa-tawa itong sumunod nang umupo na si Pearl sa upuan na yari sa kawayan. Ipinatong niya ang mga paa bago sinimulang higupin ang mainit-init pang kape. Tinanaw niya ang kalye sa harap ng kanyang bahay. May mga nagwawalis na, mga batang naghahabulan, mga batang namumugaw ng mga bangaw, may mga taong naglalakad sa kung saan-saang direksyon, at dinig na dinig na rin niya ang malakas na tunog ng radyo ni Lola Kerps—na mahilig makinig ng balita sa umaga. Iyon kadalasan ang nakikita niya. Kumbaga, iyon ang routine ng mga tao sa barangay nila tuwing umaga.

          "Ano na naman ang ginagawa mo dito, Zedric Elijah?" tanong niya nang mapansing hindi na umiimik ang binata sa kanyang tabi. Nang walang sumagot ay tiningnan niya ito. Nakita niyang nakapangalumbaba si Zedric habang nakatitig sa kanya. May pilyong ngiti ring naglalaro sa mga labi nito.

          Tumaas ang isa niyang kilay."Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?"

          Hindi sumagot si Zedric, bagkus ay bumuntong-hininga lang na tila nangangarap.

          "Kung hindi mo pa ititigil 'yan, dudukutin ko talaga 'yang eyeballs mo at ipapanguya ko sa 'yo," banta niya.

          "Alam mo bang hindi nakakasawang titigan ang mukha mo, Pearl? Napakaganda mo. Wala akong maitapon na anggulo."

          "Alam ko. Pero alam mo rin ba na hindi maganda na tumititig sa isang tao?"

          "Hindi. Sa pagkakaalam ko kasi, ang pagtitig ay isang freedom of expression."

          Naitirik ni Pearl ang mga mata. "Nag-iimbento ka na naman. Kung ikaw kaya ang titigan ko ngayon, hindi ka kaya maiilang?"

          "Hindi. Dahil pabor sa 'kin 'yon," nakangisi nitong sagot.

          Naman!Bakit ba niya pinatulang kausapin ang sira-ulong ito?

          Zedric Elijah Enriquez was her ex-boyfriend. They met and fell in love during their college years. He possess all the traits that she wanted in a guy, kaya nahulog ang loob niya rito. He was the one she was praying for her whole life or so she thought...

          It was been three years since Pearl broke up with Zedrick. Ang dahilan? Nahuli lang naman niya ang binata na nakikipaghalikan sa kanyang best friend! Damn! Of all people, ang best friend pa niya talaga! Wala siyang kamuwang-muwang na may nagaganap na palang kababalaghan sa pagitan ng mga ito. Ang mga hunyango! Ang kakapal ng mga mukha! Hindi man lang talaga nahiya at natakot na may makakakita at ma-issue dahil sa pampublikong lugar pa talaga naisipang magsipsipan.

          Mabuti na lang pala at siya ang nakahuli sa dalawa. Kasi kung sa iba pa niya malalaman ang tungkol doon, siguradong mga mata lang ng mga ito ang walang latay.

IT'S ONLY LOVE (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon