Chapter Two

1.3K 18 5
                                    

"ANO, OKAY ka lang ba talaga?"

Tango lang uli ang isinagot ni Pearl sa paulit-ulit na tanong ni Zedric. Nasa may tindahan na sila ngayon. Pinaupo siya sa silya samantalang ito naman ay nakaluhod sa harap niya-matapos siyang muntik nang mabangga ng sasakyan kanina. His face was clouded with mixed emotions.

"Baka may masakit sa 'yo?"

"Okay nga lang talaga ako, Zedric."

Bumuntong-hininga ito na tila nawalan ng mabigat na dinadamdam. "Mabuti naman at nagsalita ka na rin sa wakas."

"Hindi naman nasagasaan 'yong dila ko."

"Mabuti naman..."

"Zedric..."

"O?"

"Ang kulit mo talaga."

"Alam ko-"

"Thank you."

"Huh?"

"Ang sabi ko, 'thank you.' 'Wag mong sabihin sa 'kin na nasagasaan 'yang tenga mo?"

Zedric chuckled. "You're welcome. Pero sorry nga pala kasi ako ang dahilan kung bakit muntik ka nang masagasaan kanina."

"Oo nga.Ikaw kasi, eh.Ang kulit-kulit mo."

"Pearl, sigurado ka bang okay ka lang talaga?"

Nilingon ni Pearl ang binata. Nakakunot ang noo nito habang may kung anong malalim na iniisip dahil nakatitig sa kanya. Impit siyang napaiyak.Nataranta agad ito.

"Pearl, ano'ng nangyari sa 'yo?May masakit ba?"

"Akala ko mamatay na ako..."

Naramdaman niya ang mainit na yakap ni Zedric at ang paghagod ng kamay nito sa kanyang likod. "Sshh... tahan na. You're safe now. I won't let you get hurt again."

Tiningala niya ito.

I won't let you get hurt again.

Those were his words. Funny how it seems na pinaniwalaan iyon ng puso ni Pearl na siyang pilit na itinatanggi naman ng kanyang isip.

Hinampas niya si Zedric sa diddib. "Ikaw kasi, eh! Umagang-umaga nang-aasar ka na! Mapilit ka pa! 'Di ba sinabi ko na sa 'yong hindi ako sasama kasi maliligo pa ako?! Ang kulit-kulit mo talaga! Paano na lang kung natuluyan ako kanina? O di kaya'y kailangan ko pang maospital at maghirap bago mamatay? Naku!"Piningot niya ang tenga nito. "Sinasabi ko sa 'yo, mumultuhin talaga kita kapag nagkataon!"

Tumawa ito.

"Gano'n? Pagtatawanan mo lang ako? Ikaw kaya ang ipasagasa ko sa abnormal na lalaking 'yon?"

Zedric stared at her. His eyes were clouded with an emotion that she previously knew. Pinapakita sa mga mata ng binata ang pagmamahal nito sa kanya. "Honey, I told you, poprotektahan kita. Hindi ko kailanman gugustuhing saktan ka. O masaktan ka..."

Pearl knew he wasn't talking about the nearly accident she encountered a while ago. He was merely talking about their past! Ang kumag! Muntik na nga siyang mamatay, iyon pa rin ang nasa isip! Hindi man lang ba ito nag-alala sa kanya? Na kung tutuusin ay kasalanan nito. Darn this man for being a complete selfish jerk!

"... And I will be your knight in shining armor. Lahat ng mananakit sa 'yo ay ipapa-garotte ko."

"Kung gano'n, unahain mo na ang sarili mo. Good luck sa 'yo," aniya at tumayo na. Naglalakad na siya pabalik sa bahay nang marinig na kinausap ni Aling Elsie―may-ari ng tindahan na tinambayan nila―si Zedric.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT'S ONLY LOVE (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon