Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KURT
"Hindi ka pa inaantok?" I asked Kianna after checking the time on my phone.
It is past twelve o'clock in the evening. She's still reviewing for her exams and looks like she's damn serious about it. She even just gave me a simple look and shook her head twice.
"Maaga akong aalis bukas. I'll be on the road at five. Magluto ka ng kakainin mo, okay?"
"No. I'm just going to order my brunch for tomorrow. Ipapahinga ko ang utak ko bukas nang maghapon para fresh sa pag-exam. Ikaw ang dapat na matulog na, Kuya. Kukulangin ka sa sleeping hours. Ikaw rin, baka kung ano ang mangyari sa 'yo."
"Sa biyahe ako matutulog."
"Sige na nga. Dini-distract mo ako, eh. Matulog ka na. Ako na ang magliligpit dito. Hindi ko rin isusumbong kay Ate Ara na kasama mo si Leigh but make sure na hindi ako madadamay sa galit niya kung saka-sakali, okay?"
"She doesn't even want to talk to me anymore. Kapag tumawag siya, i-update mo ako or even better, stalk her socials. I'm sure she's going to be posting."
"Oo nga. Nag-story siya kanina lang. Gusto mong makita?"
Kumunot ang noo ko. Muli niyang inilabas ang cellphone niya. Tumipa sandali at ipinakita iyon sa akin. There's a picture of her holding a flower familiar to me. The one Mom picked.
"A familiar thief stole a bear and gave me flowers. As if that's legal," basa ko sa maliliit na letrang nasa gilid ng picture. "I am a thief?"
"Maybe. Bakit ba kasi kinuha mo?" asik ni Kianna sa akin. "Ayan tuloy."
Inagaw ko na ang cellphone ni Kianna. I scrolled on her feed. It is very clean and pleasing, plus her pictures are stunning. It's real, she's a fashion influencer and her feed is on perfection. Inagaw ni Kianna sa akin ang cellphone niya makalipas ang ilang sandali, dahilan para matigil ang pagtingin ko sa mga picture ni Ara. Napapairap pa si Kianna habang umiiling-iling.
"You have your own socials. You can stalk her there."
"You know how I hate sharing my life socially."
Mas lalong napairap si Kianna. Umayos na rin sa pagkakahiga niya.
"Mom said you and Ate Ara seem to be fighting more often and it is always your fault. Ang lakas ng trip mo, ah. Baliw ka ba, Kuya?"
Hindi ko na lang siya sinagot. Tumayo na at isinara nang maayos ang pintuan para alam kong safe si Kianna rito kahit natutulog ako. Iniwan ko siyang nakahilata pa rin sa sofa bago ako umakyat sa kuwarto. It's not that hard to fall asleep because I am tired and it's already late. Nakakainis lang na mabilis din akong magigising. Naunahan ko pa ang alarm clock ko nang limang minuto kaya wala akong nagawa kundi ang maggayak na rin. I got up. Bumaba agad para magtungo sa kusina and I saw Kianna there. Tulog na tulog at nakataas pa ang paa. Hindi na siya nakapagligpit dahil mukhang hindi niya namalayang nakatulog siya. Halatang mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa ngayon. Hindi ko na siya gigisingin. Kumportable rin naman kasi ang tulog niya.