Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KURT
Time passed. Kanina pa kami tapos kumain at busog na busog. We talked a lot, kissed a lot, flirted a lot, and showered each other love in the past few hours. We're just getting ready to go now. Tapos na rin akong maligo ngayon at si Ara na lang ang nasa loob ng banyo. Ayaw niya akong kasabay sa pagligo at baka raw hindi ako makapagpigil. I understand her though. Kanina pa siya roon at napakabagal. She has prepared everything naman na, so it is fine. Her things and all. It's all ready. Baka nga naman kapag sumabay pa ako ay mas lalo kaming matagalan.
"Love, it's almost two-thirty! Hindi ka pa tapos?"
"Wait lang!" Asik niya. "Ang sakit ng pechay ko, buwisit ka! There's blood!"
Kinabahan ako nang sumigaw siya kaya agad akong kumatok sa pinto. My heart is racing so damn fast upon hearing what she said.
"Saan? Bakit may dugo? Maybe you're in your menstrual cycle or something? It's not that bad, right? Let me in. Love! Let me see!" Sunod-sunod ang katok ko.
"No. I don't know. It's just a little bit," maya-maya ay sambit niya. "I think it was just because of last night. You're too . . . gigil."
"Let me see nga. Papasukin mo ako."
"No. I'm naked. Doon ka na!"
"You're making me worry."
"Do not worry! It's just a little bit of blood. Hindi ako mamamatay. Napaka-overacting mo, ha?"
Napabuntonghininga ako. I almost freaked out because of that. Natawa pa ako nang mapakla habang ikinakalma ang sarili ko. Muling kumatok sa pinto ngunit sa pagkakataong ito ay marahan na.
"Fine. Just make sure it's not that serious. Bilisan mo na rin. Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Tatawagin na tayo mamaya para makaalis na tayo."
"Oh, okay!"
Umalis na rin ako sa may pintuan. Dumiretso sa kama para ayusin ang mga gamit ko. This is the part where my organizing skill will be tested. I don't have any wet clothes but there's a lot of dirty ones. Kaunti na lang ang malinis at mabuti ay may natira pa. I really do not know what exactly Kianna put in here and how many pairs. Now, all this should be organized in one. Natigil ako sandali nang habang nag-aayos ako ay may nakita akong kakaiba. It's the pair of clothes that we bought last time. Napangiti ako sandali. Kianna must have a superpower.
"Look what I found, love!" bati ko kay Ara nang lumabas siya ng bathroom sa wakas. Her hair is still wet, but she's already dressed up. "Remember this?"
"Ah, yes! The cute one. Bakit dala mo rito? Hindi mo iniwan sa condo mo?"
"No. Kianna prepared all my things. Dinala ko na 'to sa bahay last day. Hindi ko alam kung bakit nilagay 'to ni Kianna rito," I said. "So?"
"So? So, what?"
"Nothing. I just thought maybe it's cute to dress up."
Tiningnan niya lang ako at saka nagpabalik-balik ang tingin sa damit na hawak ko. It's just the nude sweatshirt. Ang napagtripan kong bilhin nang mamili kami ni Ara ng mga damit niya.