Chapter Two

71 3 1
                                    

>Chapter Two

Zayn's POV

She looks familiar. Di ba siya si... Brianna! Oo, tama! Siya nga! Grabe namiss ko tong babaeng to. Sobra!

"Excuse me miss? Mind if I sit beside you?" Sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Sure." tapos umupo na ako sa tabi niya.

Bat ganun? Mukhang di niya ako nakikilala? Nakakapanghinayang naman. (ToT)

"You have a nice drawing. Pwede mo ba akong turuan?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Okay." Humarap siya sakin. Ang ganda ng mukha niya...

Habang nagdro-drawing siya, nakatingin lang ako sa mukha niya. Grabe, nakakainlove. o(^▽^)o

(a/n: Ayiiee... may gusto ka sa kanya no?)

Edi may gusto na. Masama? Alis! Haha :P

"May dumi ba ako sa mukha?" Oh no! Nakita niya akong nakatitig sa kanya.

"Ah wala. Ang ganda mo kasi." Then I gave her my killer smile. Nakita ko namang namula siya. Haha! Cutie.

Napatingin ako sa drawing niya. Si Pikachu na naman. Hay... highschool pa lang kami, puro pikachu likod ng notebook niyan. Kapag trip niya, notebook ko sinusulatan niyan. Pero maganda naman siya mag-drawing kaya hinahayaan ko lang siya.

"Ang ganda mo talaga mag-drawing Bri." Sabi ko.

"Kilala mo ako?" Tanong niya. So di niya talaga ako naaalala?

"Oo naman. Mag-bestfriend kaya tayo ng highschool." -Ako

"Uhmm..." Mukhang nag-isip pa siya. T@eng yan. Di niya talaga ako naaalala oh!

"Zayn?! Ikaw ba yan? Namiss kita!" tapos niyakap niya ako.

"Sus! Namiss kita tapos di mo naman ako naalala kanina. ( ̄_ ̄)" -Ako

"Eh SINO BA KASI YUNG UMALIS AT DI NA NAGPARAMDAN KAHIT TEXT? *insert sarcastic tone*" Sabi ko nga kasalanan ko eh.

"Sorry na. *insert pabebe tone*" -Ako

"Kelan ka pa dumating?" -Bri

"Nung isang linggo lang. Sinabi ko kay Mom na bibisita kami sa inyo. Damihan niyo pagkain niyo ah?" Tapos nagtawanan lang kami. Biglang dumating yung teacher namin.

Brianna's POV

Tapos na yung klase kaya nagligpit na ako ng gamit. Walangya yun si Zayn eh, iniwan ako.

Sinuot ko na yung bag ko nang biglang may tumakip sa mata ko.

"Guess who?" Hay nako. Childish talaga siya kahit kelan.

"Si Pikachu?" Pinagtripan ako kanina, pagtritripan ko rin siya. Para quits. Hahahaha! Tinanggal niya yung kamay niya sa mata ko tsaka hinarap niya ako sa kanya.

"Ikaw babae ka, mukha kang Pikachu. Haha! Paano mo nahulaan?" -Zayn

"Eh ikaw lang naman ang nagiisa kong kaibigan dito. Kaya paanong hindi?" -Ako

"Huh? I don't understand." tapas napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Long story." then I rolled my eyes.

"If that's the case, lets make it FIVE." tapos nginitian niya ako. Tapos kinuha niya yung phone at parang may tinext ata.

"Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng classroom.

"Luh? Saan?" -Ako

"Basta." Lumingon siya sakin tapos kinindatan niya ako. Eeeeeehhh... wag kang ganyan, kinikilig ako. ^_^

Habang papunta kami sa nowhere, tinitingnan ako ng masama nung mga babaeng nadadaanan namin. Luh? Ano meron? Alam ko palagi nila akong binu-bully pero hindi naman nila ako tinitingnan ng ganyan kasama. Weird. O_o

Napatigil kami sa parking lot. Pumunta kami sa kotse niya.

"Sakay." binuksan niya yung pintuan na katabi nung driver seat.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" -Ako

"Surprise. Haha!" Ayan na naman siya eh. Bahala na nga. Sumakay na lang ako. Kahit puro kalokohan alam niyan, may tiwala naman ako diyan.

Habang nasa daan kami, tinext ko si mama para di siya mag-alala. Sinabi ko rin na kasama ko si Zayn. Nung tinago ko na yung cellphone ko, tumigil kami. Lumabas si Zayn sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. In-offer niya yung kamay at kinuha ko naman. Kinikilig talaga ako! Shems! (>///

Nung nakalabas na ako ng kotse, tumingin ako sa paligid. May nag-iisang building dun na malaki.

"Nasan ba kasi tayo?" -Ako

"Basta, may ipapakilala ako sayo." tapos kinidatan niya ako. Iiiiieeehh!! Kilig much!

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ulit ako papasok dun sa building. Pag pasok namin dun, nag-elevator kami. Hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko kaya nagpipigil akong tumili. Haha! Nung bumukas na yung pintuan nung elevator, hinili niya ulit ako papunta sa waiting area ng di-ko-alam.

"Yo Zayn! What are we doing here?" -Ako

Hinila niya yung kamay ko papuntang sofa. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Di ba sinabi mo sakin na ako lang ang nag-iisang kaibigan mo sa school? Then I just thought, maybe I should introduce you to my bandmates." tapos kinindatan niya ako.

"Bandmates?" -Ako

"Uh-huh." -Zayn

Biglang bumukas yung pintuan nung elevator.

"Look. There they are. Wait here." -Zayn

Tapos pinuntahan niya yung apat na lalaki.

"Sorry we're late." sabi nung lalaking green yung mata.

"Si Niall kasi eh, nagpumilit na mag-drive thru kami sa Mcdo." sabi nung lalaking ang cool yung buhok.

"Dagdag mo pa yung napakarami niyang in-order." sabi nung lalaking may konting balbas at bigote.

"Bakit ba? Eh nagugutom ako eh!" sabi nung lalaking blonde yung buhok.

"EH PALAGI KA NAMANG GUTOM EH!" Sabay-sabay na sabi nilang lang kaya nag-pout yung blonde.

Medyo malakas yung pagtawa ko sa react nila kaya napansin nila ako.

"Siya na ba yun?" Sabay-sabay na sabi nung apat.

"Yup." -Zayn

Nung lumapit na sila, parang namumukhaan ko sila...

"Bri, I want you to meet--"

"KAYO?!/IKAW?!" Sabay na sabi naming lima.

Grabe. Di ako makapaniwala.

--

It's me again! If you like my story, please vote it. It'll make me so happy! Thanks guys!

God Bless!

Boy Band SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon