Sa makulimlim at malamig na lugar, may nakita ako doon na pigura ng isang matangkad at matikas na lalake.
Marahil ay na sa mga 6'2 ang kaniyang taas, at sa di ko malamang dahilan parang nag liliwanag ang kaniyang mga mata, napansin kong ito ay mamula-mula na para bang may galit na dinadala.
Nagising ako sa maingay na kampana ng aming kaharian, na nagpapahiwatig na oras na para magsimula sa panibagong araw at kalaunan napagtanto ko na nananaginip lang pala ako.
Anak ako ng isang hari na nag ngangalang Khairro Gazellian, sa di kalakihang kaharian na nag ngangalang Tempest sa bansang Olympus.
At ako naman si Asteria Scarlet Gazellian, ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang panganay na siyang kuya ko ay nag ngangalang Pheonix at ang pangalawa ko namang kapatid na nag ngangalang Loki.
Ang ina ko na siyang reyna ng Kahariang Tempest na nag ngangalang Artemis Nyx Gazellian, ay kasalukuyang abala sa paghahanda ng aking ika labing walong kaarawan na siyang gaganapin sa susunod na buwan.
Habang ako ay kumakain ng almusal kasama ng aking amang hari, inang reyna at mga kapatid, muli kong naalala ang lalake sa aking panaginip.
Ano ang ibig sabihin non? Sino ang lalakeng yon? Totoo ba siya? Sa di ko malamang kadahilanan, parang napaka pamilyar talaga ng lalakeng yon na para bang nakita ko na siya dati.
Di ko talaga mawari ang kanyang katauhan, ang misteryoso niya masiyado.
Yan ang mga tanong na pumasok sa isip ko habang ako'y kumakain. Di ko nalang napansin na iniwagayway pala ng aking nakakatandang kapatid ang kanyang kamay sa harap ko.
"Ano ang nasa isip mo aking kapatid na prinsesa?"
Pormal na sabi ng kapatid ko."Ano ba yan kuya napaka pormal mo talaga kahit kaylan.
Wala naman akong masiyadong iniisip."
Sabi ko habang nagpapadyak-padyak pa sa ilalim ng mahaba naming lamesa.Nakita ko naman sa gilid ng aking tingin ang kapatid kong si Loki na naka ngisi.
"Baka't iniisip niyan ang kanyang kasintahan."
Sabay tawa niya.Inirapan ko lang siya. Ni wala nga akong gusto, kasintahan na ba? Nahihibang na ba siya?
"Aba't Asteria anak, pag ikaw ay may manliligaw sabihin mo agad sa akin at sa mga kuya mo at nang makilala namin ng husto."
Seryosong sabi ni amang hari habang hinihiwa niya ang kanyang steak."Ano ka ba ama, ni wala nga akong gusto." Sabi ko habang umiinom ng tubig.
"Scarlet anak, napaka rami mong manliligaw na nang gagaling pa sa iba't ibang kaharian, at talaga namang ang ga-guwapo ng mga binatang iyon na mala greek god pa ang mga hitsura."
Mahabang sabi ni ina."Ina naman, kumakain lang naman ako dito. Si Loki naman puntiryahin niyo oh."
Padabog kong sabi.
Ba't naman kasi ako nalang laman sa usapan?
E nandiyan naman sila kuya."Oh? Ba't naman ako? Ganyan na ba talaga ako ka guwapo at tsaka ba naman sa hapag kainan natatangi ako sa iyong mga mata? Nandiyan naman si kuya Pheo ah."
Sabi niya na parang abot langit ang kumpiyansa sa sarili. Sabihin mo babaero ka lang Loki."Ako pa ang babaero ah? E yung isa diyan tatahi-tahimik at pa-inosente lang."
Nakita ko na sumulyap pa siya kay kuya Pheo at tska umikot ang kanyang mga mata.Aba't ang taray na nitong si Loki.
Napaka bait kaya netong si kuya Pheo, s-swerte talaga ng mapapa ngasawa nito.
Nakita ko namang ngumisi si kuya Pheo sa sinabi ko sa aking isip, aba't ang babaw naman ng kasiyahan nitong si kuya.
Nakalimutan ko na nakakabasa pala ng isip itong mga kapatid ko .
Yan ang isa sa mga katangian naming mga Gazellian, ang pagbabasa ng isip o yung kilala sa tawag na 'telepathy'.
Nakakamangha 'di ba?
BINABASA MO ANG
Matamis na Trahedya
FantasySa malayong lugar ng bansang Olympus, mayroong di kalakihang kaharian na nag ngangalang Tempest. Ito ay sinasakop ng tribong Solaris at ito'y pinamumunuan ng mga Gazellian. Ang bunsong anak ni haring Khairro Gazellian na si Asteria Scarlet ay wala...