Tumingin ako sa buong paligid, madilim at bakas sa buong paligid ang kalungkutan ng lugar. Naghanap ako ng liwanag dahil ang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pakiramdam ko ay walang tumatakas na hangin sa madilim na lugar na ito ngunit kahit ilang ulit akong tumakbo ay wala akong maaninag na liwanag.
Napaupo at napayuko ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ngunit isang tinig sa hindi kalayuan ang narinig kong muli. Agad akong nag-angat ng tingin at tulad ng dati ay nakangiting nakatingin ito sa akin.
"Kale, anak" Mahinahon niyang bigkas sa aking pangalan, agad akong tumayo at tinakbo ang distansya mula sa akin hanggang sa kanya. Ngunit ng malapit na ako ay unti unti rin siyang nawawala at sa likod niya ay ang liwanag na kanina ko pa hinahanap.
Napabalikwas ako ng gising at naaninag ang liwanag na nanggagaling sa bintana. Agad akong napatingin sa orasan sa gilid ko at nakitang alas syete na ng umaga.
"Sh*t"
Tumayo na ako at agad na pumasok ng banyo. Mabilis lamang akong naligo at hindi na nag-abalang kumain ng umagahan nagdiretso na lamang ako sa kotse ko at tinahak ang daan patungong eskwelahan ko.
Nakarating din naman ako agad at pagbaba ko mula sa sasakyan ay agad na may sumalubong sa akin.
"Whoa dude, ang aga mo ngayon ah at nakakasupresang wala kang hangover." I just glare at him at hindi na lamang pinansin, tinaas na lamang niya ang dalawa niyang kamay at napailing na lamang habang natatawa siya. Dumeretso na lamang ako sa Cafeteria para mag-umagahan.
Almost one month na rin simula ng magsimula ang pasukan at sobrang dalang akong makaabot ng maaga sa mga subjects ko na pang umaga.
Kumakain ako ng muli kong maalala ang panginip ko, ilang ulit ko na ba iyong napanaginipan? Ilang ulit na ba akong nagigising na balot ng kalungkutan ang paligid ko na hanggang sa panaginip ko ay nilalamon ako nito. Ngunit kung ito lang naman ang tanging paraan upang makasama ko ang aking ina bakit hindi na lamang ako manatili dito. Ngunit siya, sa loob ng dalawang taon ay hindi man lang lumabas sa mga panaginip ko. Ipinilig ko na lamang ang naisip ko at itinuloy ang pagkain.
Papalabas na ako sa cafeteria ng maramdaman kong nag vivibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Kean.
"Hey Kale, where the hell are you? Maaga ka nga late ka pa din." Medyo mahina niyang sabi.
"I'm on my way now."
Malalaking hakbang ang ginawa ko hindi naman ako pwedeng tumakbo dahil maraming estudyante ang mga nagmamadali din.
"Tsk, dalian mo dude mukhang mainit ang ulo ni Ma'am Montenegro."
"Kailan ba yan hindi naging mainit ang ulo?" Tanong ko sa kanya, lagi namang mainit ang ulo nito dahil sa isa itong matandang dalaga.
"Kay-" Naputol ang sasabihin niya ng may ibang mag-salita.
"Mr. Clarke, how many times do I have to tell you. No cellphone during my class. Hand it over to me now."
At doon na naputol ang tawag, tinignan ko ang screen ng cellphone ko at napailing na lamang ako at ng muli akong tumingin sa dinadaanan ko ay ang pagtama ng isang maliit na katawan sa akin at ang pag tapon ng iniinom nitong tubig sa damit ko.
"What the!?" Inis akong napatingin sa isang babaeng nakatungo habang humihingi ng paumanhin sa akin at habang pinupulot niya ang mga nalaglag niyang mga gamit.
"I'm so sorry, nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa first subject ko" Nagmamadali niyang pinupulot at inaayos ang mga gamit niya.
"Huh! Sorry? Do you think makakatulong yon para sa nabasa kong damit?" I know she said she's sorry and I'm being mean to her, pero pareho lang kaming nagmamadali at ngayon nga na kailangan ko pang pumunta sa locker ko para magpalit.
At ano ang sasabihin kong excuse nanaman. Na nabangga ako sa isang clumsy girl na may dalang bote ng tubig at natapon sa akin. Kahit gaano man katotoo ang excuse ko ngayon ay alam kong hindi na pakikinggan iyon.
Napahinto siya sa sinabi ko at unti- unting nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang napakapamilyar niyang mga mata. Napatitig ako sa kanya at hindi nakakibo.
"Hoy, nag-sorry na nga di ba ako. Nakailan pa nga di ba. Hindi lang din naman ako ang may kasalan kung bakit natapon ang tubig ko sayo. Ikaw din naman kaya wag kang magalit diyan na parang ako lang ang may kasalan." Mahaba niyang sabi ngunit nanatili akong nakatitig sa kanya at agad din namang nasundan ang sasabihin niya.
"Now, kung ayaw mo ng sorry ko sorry ka na lang may pasok pa akong kailangang habulin." At agad niya akong tinalikuran.
Those eyes. Those familiar eyes.
BINABASA MO ANG
Reminds Me of You
RomanceAno ba ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig? Ano ba ang kaya mong kalimutan upang ang kasalukuyan mo ay maging masaya? Ngunit upang maging masaya ka ay kailangan mong pakawalan at kalimutan ang iyong matamis na nakaraan. Kale Chase, kaya ba niyang...