Chapter I

26 3 25
                                    


Pagkatapos ng dalawang taon ng paga-aral through modular and online classes, me and my friends finally got to meet each other at school.

Medyo nakakapanibago na Senior High students na kami, parang dinaanan lang ng ihip ng hangin ang pagiging Junior High students namin at pakiramdam ko masyado akong nabigla sa panibagong responsibilidad ko as a Senior High student. Pero dahil isa na nga akong Senior High student at dahil na rin face to face classes na, marami akong opurtunidad na mag adjust muli sa panibagong environment lalo na't napag desisyonan naming mag-barkada na lumipat na ng schools.

At syempre, Iba't ibang strands ang kinuha namin dahil na rin magkaiba ang kukunin naming course in the future.

Lima kaming magbabarkada, ako at si Felipe ay parehong HUMSS ang kinuha, si Inigo naman ay STEM ang napili, habang sila Gino at Keith ay nasa ABM at GAS nagpa-enroll.

'Syempre nag HUMSS ako kasi magiging Attorney ako in the future, an attorney to defend my future criminal friend, Felipe Mendez'   lol, biro lang. Pero baka nga maging kriminal sya instead of being a Policeman HAHA... Better be safe than sorry, though.

Felipe nudged at my feet, napatingin naman ako sakanya with a questioning look, "Thur, anong section ka?"

"HUMSS F-1, ikaw ba?" Pabalik na tanong ko kay Felipe.

"The fuck HAHAHA, akala ko ako lang yung bobo, F class ka rin pala, shit. HAHAHA" tawang tawa si Felipe habang hinahampas ang balikat ko na para bang tuwang tuwa sa katangahan nya.

Nangunot ang noo ko, kahit kailan talaga parang baliw itong si Felipe, pati ba naman Section ginawang basehan ng katalinuhan.

"Oo, putangina ka ikaw lang yung bobo rito, late enrollee kasi tayo" I rolled my eyes at him at nag focus nalamang sa panood ng commercial sa TV.

'Feeling ko mas productive manood ng commercial kesa sa makipag-usap sa tangang 'to.... '

"Ganon pala yun? Lol, why can't you just accept it bro? Nasa F class tayong dalawa kasi 75 yung average natin noong 4th year Junior High school tayo, diba? HAHAHA"

"Oh eh di waw, pina billboard mo sana, tangina mo"

Panay pa rin ang paghampas ni Felipe sa balikat ko habang tawa parin siya nang tawa.

Lumabas si Mama galing sa kusina dala dala ang hapunan, agad naman kaming tumayo ni Felipe para tulungan si Mama.

Kinuha ni Felipe sa pagkakahawak ni Mama ang mainit na mangkok ng tinolang manok "Mukhang masarap yan Tita ah, mapapa tatlong servings na naman ng kanin nito"

Napa-tawa ni Mama habang ako naman ay napa-ikot ang mata sa pambobola ni Felipe. Tanga nalang ang maniniwala sakanya na kaya nyang kumain ng tatlong servings ng kanin eh kahit dalawang subo lang ng kanin ay busog na siya.

"Arthur anak, kunin mo nga yung kanin at tsaka yung sandok sa kusina, tawagin mo na rin si Katherine para kumain"

Napakamot ako sa ulo sabay simangot.

'Ano ba yan.... Ano ba uunahin ko dyan ah'

"Ako na tatawag kay Kathy HAHAHA sisimangot agad eh, ang pangit mo"

'Tangina, sa gwapo kong 'to, ikaw lang yung nagsasabing pangit ako, gago.'

Temperamental Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon