Taong 1995
Naga City
kringggggg kringgggg ....... "hello , o nina bakit napatawag ka" umiiyak si nina sa kabilang linya; "ate nadya umuwi ka muna si mama sumama na sa lalaki nya huhuhu" ok antayin nyo ako luluwas ako ngayon din.
Ano na ba ang nangyayari sa pamilya ko dina tumigil ang pagsubok na ito......
Nagmamadaling nagempake ng gamit si nadya at lumuwas ng manila sakay ng bus galing naga papuntang cubao.
Alas tres ng hapon sa kahabaan ng luzon naglalakad si nadya sa tagal na di paguwi sa bahay nila sa manila hindi nya na makita kung asan ang sakayan ng tricycle, habang naglalakad nakita nya yung dalagita na kaibigan nya, "glenda asan na ba ang sakayan nalipat na naman?" , ay ate nadya dun napo, sya nga pala nakalabas na pala ng rehab ang tatay nyo