CHAPTER 28

296 14 0
                                    

Happy Holliday🎉🥳🤩
Enjoy your Christmas vacation!☺️☺️




-----------------------------------
----------------------------------------------

28 of Chapters...


Madilim na natapos ang party. Napagod man ang lahat ay halata parin sa mga mukha nila ang saya. Especially the kids, they're all smiling and happy.

Si Jaime mabilis na nakatulog dahil narin sa pagod. Nasa taas na sya at kasalukuyang binabantayan ni Nika. Tulog narin kase ang pamangkin nito at dahil gabi na, hindi ko na muna sila pinabalik sa Quezon. Delikado narin sa byahe eh, baka mapano pa sila.
Ang anak ni Caleb— I mean anak ni Shan... kasama din nila sa taas. Ayaw kaseng umuwi ni Caleb sakanila kaya dumito na muna sila.

"Hoy, Janna! Samahan mo kami dito, bawal magdahilan na may anak na ha!" saad ni Yas at hinila ako palapit sa pwesto nila.

They're drinking alcohol, actually kami-kami nalang din ang narito dahil nga umuwi na lahat. Tapos nagkayayaan pa ang mga lokong ito na uminom at mag stay pa ng ilang oras.

Naupo ako sa bakanteng upuan na napapagitnaan ni Caleb at Yas. Tahimik lang din ako simula kanina matapos ang aminang nangyari. Wala pa ulit kaming usap ni Caleb simula kanina dahil naging abala ulit ako sa mga bisita. Hindi naman sya nag demand na mag-usap kami kaya ayus lang.

"Let's throw questions to our Janna bebs!" ani Yas at lumagok ng isang basong alak.

Napangiwi ako. Sure, masakit sa lalamunan 'yun. Pero alam ko rin na para sakanya, wala lang iyon. Sanay na kase ang babaeng ito sa lasingan, malakas ang alcohol tolerance nya.

"So ano na status?" tanong ni Tristan.

Binatukan naman sya ni Yas. "Gago! Bakit 'yan agad ang tanong mo?!"

"Eh ano naman? Itatanong nyo rin naman sakanya 'yan mamaya." Napapairap na saad ni Tristan.

Suminghal lang si Yas pero hindi na nagsalita. Mukang dapat ko nalang sagutin ang tanong nya. Pero... ayoko... wala naman akong isasagot eh. Tsaka hello! Hindi pa nga kami nakakapag usap simula kanina ng batuhin kami ni Tristan ng tissue. Tsk!

"Ano, Janna bebs? Status, beh?" ani Tristan.

Napabuntong hininga ako. "Wala..."

Hindi nalang ako lumingon sa katabi ko. Pakiramdam ko kase pag ginawa ko iyon ay parang iisipin ko nalang din na mali ang sagot ko o sagot na hindi dapat 'wala'.

"Ano ba 'yan, wala parin..." bulong ni Tristan pero rinig ko naman.

"Kumusta ang buhay mo sa Quezon, Janna?" kalauna'y tanong ni Grace— umimik narin sa wakas.

Isang beses pa akong bumuntong hininga bago sumagot. "M-Maayos naman... mahirap pero nakayanan ko naman."

Tumango-tango sya. "How about raising Jaime? All... by your self?" aniya muli.

Hindi agad ako nakasagot. Inisip ko pang mabuti ang sasabihin ko. Though nahirapan ako, kase totoo naman. Nahirapan ako'ng palakihin si Jaime nung mga unang araw dahil pinagsasakto ko pa ang badyet ko para sa pang-araw araw namin. Wala pa akong trabaho sa Quezon dahil baguhan pa lamang ako non, kaya mahirap kumayod ng pera.

Hindi naman sakitin si Jaime, healthy naman sya at masigla. Kaya nga lang ay talagang kinakapos ako sa pera non para lang mapakain sya. Mabuti na lang talaga at nakilala ko si Nika, kahit papano natulungan nya ako. Hanggang sa mameet ko rin si Lucy at nakapagtrabaho ako. I earned money for my son, every payday ay kumakain kami sa labas ni Jaime. Kung minsan ay sa Jollibee dahil paborito nyang kumain dun. I even buy him cloths and toys para kahit papano ay makasabay sya sa mga batang kaedaran nya na mayroong mga laruan din. Ayaw ko kaseng naiinggit ang anak ko, that's why I'm doing my best to give him everything... kahit mahirap.

His New Secretary (Good at Pretend #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon