"Ang kanyang pagdating man ay tila sa pamamagitan ng pagkakataon, nguni't nakatitiyak ako na kapalaran ang nagdala sa amin upang kami'y magkasama ngayon.""Wala mang habambuhay, nguni't nakahanda naman akong mahalin siya habang may buhay."
When I Love You
More And More.Sa kumplikadong himaymay ng aking damdamin, may isang malalim na misteryo noon na hindi ko lubusang maunawaan, at iyon ay ang aking lihim na nararamdaman sa lalaking hindi naman ako magawang tingnan.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya ang aking nagustuhan, sapagka't alam kong napakalayo na kami'y magkatuluyan.
Siya ang pinakasikat noon sa aming paaralan, at halos lahat ng kababaihan ay siya ang nagugustuhan.
Steve ang kanyang pangalan. Bukod sa pagiging magandang lalaki at matalino, siya rin ang MVP sa aming paaralan.
Madalas ko siyang pagmasdan ng lihim, ngumiti ng lihim sa tuwing nakikita ko siyang dumaraan sa harap ng aking paningin, sapagka't ang kanyang mukha ay tunay na kahali-halina, at sa tuwing siya'y tumatawa, ang kanyang tinig ay napakatamis sa pandinig.
Ang kanyang mga mata na napakaganda, kahit hindi ako nakikita.
Sa aking paningin, tunay siyang kakaiba at wala pa akong nasumpungan na kasing ganda niya.
Madalas akong magtungo sa Cafeteria ng paaralan upang doon umupo at sumulat, at aaminin kong sa lahat ng aking mga isinusulat, siya ang laman at paksa ng aking mga kathang tula.
Ang mga ala-ala sa walang muwang na araw ay nagiging masaya, sapagka't naroon siya.
Ako ay sa kanya kahit na siya'y hindi sa akin, ako ay sa kanya kahit sa akin na lang na damdamin. Masaya na ako noon nasa iisang bituin, buwan kami nakatingin, kahit na malayong malayo man ang pagitan namin.
Ako ay sa kanya kahit na siya'y hindi sa akin. Nawa'y ang kumikinang na araw sa akin ay sa kanya'y sumikat din. Hindi ko babaguhin ang aking damdamin, mawala man ang hiningang bumubuhay sa akin.
Natutuwa ako kapag binabasa ko ang mga kathang tula at mga liham na isinulat ko para sa kanya, ngunit naisip ko na wala itong saysay, sapagka't hindi niya naman nababasa.
Nagmistula siyang bituin sa akin noon na natatanaw ko lang. Isang maningning na bituin na sinuman ang makakita ay mapapapikit at mapapahiling.
Imbis na sabihin ko sa kanya ng harapan ang aking lihim na pagtingin, idinaan ko na lang sa kanta nang mabigyan ako ng pagkakataong magtanghal sa entablado at maghandog ng isang madamdaming musika.
Sa aking pag-awit, dinama ko ang bawat salita na nagpaparamdam sa isang pag-ibig na hindi nakikita.
Tamang-tama ang mga linya't kataga para sa hindi mabigkas kong pagsinta. Sana nga lang ay naroon siya, na kahit na hindi ko harapan na sabihin sa kanya, ay mabatid niyang ito'y para sa kanya.
Nguni't narito, ang tagginaw ay nakaraan na, at ang ulan ay lumagpas at wala na. Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa, at ang panahon ng mga ibon ay dumarating kasabay ng kanilang mga awitin, at ang tinig ng bato-bato ay naririnig sa aming lupain.
Ganitong-ganito ang araw na iyon ng makasama ko ang lalaking pinapangarap ko lang noon gamit ang kanyang tsaketa na ginawa naming pamandong.
Napakasaya ng mga tagpong iyon. Mga oras na ayoko nang lumipas noon. Mabuti na nga lang ay hindi natapos roon.
Kaya naman, kapag ang ulan ay dumarating at nawawala ang masasayang ala-ala at tagpo ay bumabalik.
Ang matatamis naming pagsusuyuan ay nagsimula pagkatapos ng ulan.
BINABASA MO ANG
Your, And my, Classic Love.
Short StoryAn anthology of romantic short stories. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, li...