Matagal na kitang pinagmamasdan
Matagal na kitang hinahangaan
Takot lamang akong sabihin ito
Sapagkat ako'y takot sa isasagot mo
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi
Ang mga salitang nakabibingi
Mga salitang nakahihiya
Mga salita ng paghanga at pagtingin
Ano ba ang gagawin ko pag tayo'y magkalapit?
Ano ba ang gagawin ko pag tayo'y nagkatinginang muli?
Ako ba'y magtatataranta sa tabi ng kalsada?
O i-bubulong sa iyo na... maiintindihan mo kaya?
Alam kong magtataka kung bakit ko sa iyo ito sasabihin
Sapagkat ito'y mahirap din namang aminin
Pagkat ako'y nabubulol sa bawat salita
Ito ba ang pakiramdam ng natatanga?
Kailangan ko itong sabihin pagkat ako'y hirap na
Hirap na sa emosyon na aking kinikimkim
Baka akin itong ikamatay
Ito'y totoo, pagkat ako'y may expiration date na
Anu man ang iyong sabihin
Anu man ang iyong gawin
Hinahangaan pa rin kita
Bilang tao, at bilang kaibigan
Natatanga na talaga ako
Kung bakit pa sa iyo ako nagkagusto
Bakit ikaw pa ang tinitingnan ko
Aking kaibigan na mahal
Patapos na ang aking tulang panget
Aking tulang minadale
Sapagkat gusto ko nang ilabas
Ang katangahan na aking nararamdaman