5

15 0 0
                                    

It's a Friday, and I'm here in my room cleaning up. Naglilinis ako dahil dito matutulog ang mga kaibigan ko. Napagdesisyunan kasi ni Rianne na mag sleepover kami kasi kakabalik lang ni Nathan at babalik na rin siya sa Laguna dahil magtatapos na ang Christmas break. In a few days it will be new year too. Ang bilis ng panahon. Bumaba ako para kumukha ng apat na sleeping bag sa closet. Ayokong matulog sa kama, I want to sleep on the floor with my friends. Alam ko na magtatalo sila kung sino ang matutulog sa tabi ko. 

"Come in!" I yelled when I heard a knock on my door, habang inaayos ko pa ang mga unan sa higaan ko. I turned around and saw Erica looking around my room. May hinahanap ata siya. 

"Ate, can I borrow some of your books?" She said, sabay turo sa desk ko na may mga libro. Nakakalat pa ang iba.  

"Oo naman! Pwede namang lahat ang kunin mo." I said and chuckled. My sister then mouthed 'thank you' and grabbed five books. Bookworm talaga 'tong si Eri.  

"You won't use these right?" She asked while trying to hold on to all the books. Nataranta ako ng muntik na mahulog ang isang libro, pero nasalo ko. "Minsan lang. " I said and she just nodded. 

"Oh Ate, nandito na sila Ate Rianne- Oh!" Napasigaw si Eri nang yakapin siya ni Rianne. Rianne loved how smart and kind Erica was, kaya naman sobrang gusto niya siya. 

"Big girl ka na baby!" Sigaw niya at hinalikan si Eri sa pisngi. "Yung laway mo Hyacinth, nasa pisngi niya." Biro ni Riannah sabay turo sa pisngi ni Erica. Saka pinunasan ni Rianne ang pisngi ni Erica at pinisil ito. 

Nathan was already inside my room, looking around. My room was the color pastel blue. My bed was in the middle of the room which had white bedsheets and navy blue pillows and stuff animals. 

"You didn't change the color of your room Sav?" Nathan asked with arms crossed. "Yeah. Ayokong bagohin ang kulay." I replied. 

A few hours passed, and we are now in our pajamas. I was wearing my white silk pajamas. I'm here at the kitchen getting some snacks, dahil manonood kami ng movie sa kwarto ko. Nakalimutan kong sabihin na may TV rin ako sa kwarto. Nagtatalo pa nga sila Rianne at Riannah kung ano ang dapat panoorin. Gusto ni Rianne ng horror, habang si Riannah ay romcom. Ewan ko sa'kanila! Napatingin ako sa gilid, ng makita ko si Nathan. Tinaasan ko siya ng kilay na senyas na tinatanong ko kung bakit siya nandito. 

"How do you and Aldrien know each other?" Tanong niya at sumandal sa pader. Nakaawang lang ang labi ko habang nakataas ang dalawang kilay. Bumuntong-hininga ako at sinabihan nalang siya na nagkataon kaming nagkita at naging mag kaibigan. Before I could even walk away, I also asked him the same question. 

"Mag-kaibigan kami ng kuya niya... I don't know where Azi is now though... " 

May Kuya si Al? Akala ko bang dalawa lang sila?

But as Nathan said that, alam ko nang may something talaga na nangyari kay Azi. "At alam mo ba kung bakit siya sumama sa'kin sa Night Market? Tinanong niya kasi kung sino ang pupuntahan ko tapos nang sinabi ko na si Savi bigla siyang nag tanong sa full name mo! Siya din ang sumundo sa'kin!" 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. So when he said 'Savi?' it was fake? He knew I was there? Napalunok ako at ngumit nalang kay Nate, saka kami umakyat. 

"Tagal nyo!" Reklamo ni Rianne. Ang babaeng 'to ay may pinaka maikiling pasensya, I swear to god. Nanonood kami ng horror movie ngayon. Nanalo yata si Rianne sa laban nila ni Riannah. I grabbed my phone from the side and took a picture of my friends. May hawak na unan si Rianne at halos mahalikan na niya yung screen sa sobrang lapit niya, kinagat-kagat pa ang daliri. Ito naman si Riannah ay nasa tabi ni Nathan, naka hawak sa damit niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay with me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon