Hello po :) First One-shot here, kaya wag sumama ang loob pag medyo fail.
Leave comments and suggestions below. Thanks :)
________________________________________
Umupo ako at nag-cross arms. Nab'bwisit ako. Uulitin ko, NA-BWI-BWI-SIT (tama ba spelling?) ako.
E pano, asarin ka naman nang wagas nung tao. Bwisit na Ranz Kyle yan. Maka-kantsaw ng Maitim akala mo naman kung sinong maputi. E mas kita pa nga ako sa dilim eh.
Tumingin ako sa bag ko at may nakitang may nakalabas na papel. Kinuha ko naman to.
-27 Signs To Know If You Like Him-
Takte. Punong-puno yung cover neto ng designs. Sigurado akong sina Micah nanaman ang may kagagawan neto. Kaya't tinapon ko nalang yung pamphlet dun sa trash can.
After a few minutes, tumayo ako at kinuha uli yon. Mabasa nangalang. Hoy ah, bored lang yung tao dito. Mapagtiyagaan ko nangalang tong kalokohang to.
Naguguluhan ka ba kung gusto mo ang isang lalake? Well today is your lucky day! Read these---
Blah, blah, blah, blah, blah. Oh pamphlet. Why da heck so conyo? Dami pang sinabi eh. Binuklat ko na and I started reading.
27th: Madalas mo siyang iniisip.
Hindi ko siya iniisip okay? Ayoko ngang ma-corrupt tong utak ko. Kung iniisip ko siya, it's either nagtataka lang ako kung nadisgrasya ba yung mukha niya o kung tao ba talaga siya. Tignan niyo nga naman oh. First sign palang mali na!
26th: Pag lumalabas kayo, you proudly don't wear make-up. (Wow Taglish.)
Okay, first of all, I. DON'T. WEAR. MAKE. UP. Di naman ako tulad ng mga ibang babae diyan noh. Make-up nang make-up mas lalo namang nawasak yung mukha. Atsaka ano namang pake ko pag naka-make-up ako o hinde pag lumalabas kami ng unggoy na yon. Swerte naman niya kung magpapaganda ako para sakanya noh.
25th: Bumibilis ang takbo ng puso mo kapag iniisip mo siya.
Bumibilis... Oo. Bumibilis.. DAHIL SA GALIT! Lagi kasi akong inaasar ng unggoy na yon eh! Ang hilig-hilig akong asarin. Siopao daw eh. Eh ano naman kung mataba yung cheeks ko? Atleast nga kita parin yung mata ko eh. E yung sakanya? Flat na nga yung pisngi, non-existent pa yung mata. Ang sabihin lang niya kase, patpatin siya at inggit siya sa cute na cheeks ko. Anong klaseng pamphlet ba to? Puros kalokohan ah.
24th: Madalas kang nag-aalala para sakanya.
Eh masama ba kasing magalala sa kaibigan mo? Sorry ah, di ko alam na may batas na palang ganon. Lagi nga kaseng pinagkakaguluhan yan sa mga mallshows niya. Minsan nangalang nagsimula pa to ng stampede eh. Sino naman di magaalala dun? Ayos lang naman saken kung masagasaan siya ng malalandi-- mababait niyang fans. Pero kaibigan nga eh. Kaibigan. K-A-I-B-I-G-A-N.
23th: Nagiging kabado ka kapag kasama mo siya.
Oo. Nagiging kabado ako. KASE DI KO ALAM KUNG ANONG MAGAGAWA KO SAKANYA PAGNAGKATAON. Nakakabwiset eh! Asar nang asar akala mo naman kung sino. Sumosobra na eh. Baka pag di ko natalaga natiis mapaamin-- Matutukan ko siya ng baril. O baka naman bigla ko siyang pasabugin. Even just imagining that amuses me.
22nd: Mas madalas kang nagpapaganda o nagaayos para sakanya.
Eh alangan naman kaseng humarap ako sa unggoy na yon na mukhang dambuhala? Asarin pa ako nun eh! Tss. Curse this pamphlet.
BINABASA MO ANG
27 Signs To Know If You Like Him (One-shot)
Humor13th: May kausap lang na iba, nag-aalburuto ka na. Kakasabi nga lang na hindi ako nagseselos. Wag nang makulit ang lahi.