Bakit hindi kita maalis sa aking isipan
Bakit sa pagtulog ika'y napapanaginipan
Bakit minahal kita ng lubusan
Na parang walang hanggan.
Bakit kaibigan lamang ang turing mo
Sa puso kong nagmamahal sayo
Bakit hindi na lang ako
Ang babaeng tutunang mahalin mo
Bakit pa siya ang pinili mo
Bakit hindi na lang ako
Bakit ano ba ang pagkukulang ko
Para maangkin ang iyong puso.
Bakit tinalikuran mo ako
At sabing,"hindi kita magugustuhan,ang pangit mo"
Nakatayo ako dun na tulala
Umiiyak na parang bata.
Napaisip tuloy ako
Paano ako nagkagusto sa tulad mo
OO, mahal nga kita at maibibigay ko lahat sayo
Pero sinaktan mo ang damdamin ko.