Project (One Shot)

431 20 19
                                    

Project (One Shot)

"Ok Class. Galingan natin lahat ah. Pag maganda ang maipapakita niyo sa play mataas ang makukuha niyong grade. Remember project niyo 'to ah."

Filipino Time. Adviser namin ang teacher namin dito kaya heto kami ngayon nakikinig sa kaniya para sa play next next week. 1st section kami at kami ang napili na main cast para sa play.

"Ok sino gusto niyong mag lead sa inyo?"

Tanong ni ma'am. Malamang walang nagtaas kasi nahihiya. Mahirap kaya maging leader tapo--

"Ma'am! Si Anna na lang po!"

O___O

"Nako! Huwag po ma'am. Hindi po ako maalam sa ganiyan."

"Ah ok. Sige Yung president niyo na lang."

Palusot ko. Buti naman hindi na namilit si ma'am. Epal tong si Clark eh.

"Ngayon kailangan natin mamili ng mga bida. Mas maganda sana yung may chemistry para nakaka kilig talaga."

Sabi ni ma'am at dahil demonyita ako, binawian ko yung abnormal na kaklase ko.

"Ma'am! Si Clark na lang po yung lalaking bida. May chemistry naman siya sa lahat ng babae eh. Malandi yan eh."

XD

"Sige ba! Basta ikaw leading lady ko ah!"

Naghiyawan mga kaklase namin. Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Akala ko tatanggi siya kaya ko nasabi yun. Nakalimutan ko palang makapal pala ang mukha nito. Wala na akong magagawa pa -___- Masasakal kita Mr. Quintos.

-----------------------------------

Mamaya na ang actual play namin. Nakaka kaba. Ang daming manunuod. Nagpa practice kami ngayon para daw perfect na mamaya. Ang eksena naman namin ngayon ay sa isang "beach" kunwari. Sunset para daw romantic.

Kelan pa naging romantic kung yung ka scene mo eh yung pinakamalaking epal sa mundo?  

Ngayon?

"1, 2 , 3 action!"

Senyas na yun para um-acting na kami at sabihin yung mga linya namin. Nakaka kaba pala yung ganito no. Pero mas nakaka kaba mamaya.

"Rafael.. Mahal kita. Bata palang tayo gusto na kita. Mas tumindi nga lang yung nararamdaman ko para sa'yo nung lumaki na tayo. Rafael... Sana kahit na ganun magkaibigan parin tayo ah. Sana hindi mo ako iwasan pagkatapos nito."

Ako Sabay tingin sa kaniya.

^_____^

"Cuuuuut! Huy Clark! Parang kang baliw diyan na nakangiti. Ikaw na magsasalita. Yung sasabihin mo ha. Umayos ka. Game na ulit."

"A-ah oo. Tama HAHA. Sige seryoso na ^___^"

=___= Ang ganda na ng acting ko sabay ganun. Sayang effort.

Bumalik na sa kaniya kaniyang pwesto ang mga kaklase ko. Binulungan ko muna si Clark.

"Umayos ka nga! Matatamaan ka sakin eh."

"Ok lang. Matagal na akong natamaan sa'yo ^_____^"

Loading.......

Ano daw?

"Game! 1, 2, 3 action!"

Bumalik ako sa sarili ko ng magsalita ulit si President. Grabe. Para akong na high sa sinabi ni Clark. Ganun ba talaga yun?

"Rafael.. Mahal kita. Bata palang tayo gusto na kita. Mas tumindi nga lang yung nararamdaman ko para sa'yo nung lumaki na tayo. Rafael... Sana hindi mo ako iwasan pagka--"

Bigla naman niya hinawakan yung kamay ko. Hindi pa ako tapos sa line ko. Epal naman to.

"Anna..."

Teka! Hindi Anna pangalan ko sa ginawa nilang script. Melody kaya.

"Huy.. Clark, Melo--"

"Huwag ka ngang magulo. Hahalikan kita diyan eh."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit wala pang cut? Iba yung mga sinabi niya eh. Hindi yan yung pinapractice namin.

Tumingin naman ako sa mga kaklase ko. Pinapanuod lang nila kami. Nakangiti nga silang lahat eh. Hindi ba nila narinig yun. Teka. Baki--

"Simula palang gusto na kita. Malamang isa akong malaking epal sa buhay mo. Oo, aminado ako dun. Araw-araw ba naman kitang pagtripan at asarin malamang naman naiinis ka na sakin."

Hindi ko ma process ng ayos sa utak ko ang mga sinasabi niya. Naguguluhan ako.

"Anna.. Alam mo ba kung bakit gustong gusto kitang asarin?"

Umiling ako bilang sagot. Speechless ako ngayon eh.

"Kasi kaasar asar ka naman talaga."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sasagot na sana ako kaso pinutol na naman niya.

"Te--"

"Nakaka asar ka kasi kahit anong gawin ko, hindi mo mapansin na may gusto ako sa'yo."

------

Pangalawang One shot :) Dedicated kay pretty bunso ;"">

God bless :)

Project (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon