I Dont Mind ( Short Story)

42 1 1
                                    

Lagi nalang bang ganito?

Sawang sawa na ako!!Minsan naiisip ko..

Kung magpakamatay nalang kaya ako?!!!

Pero paano naman yung kapatid ko? Sa akin lang siya umaasa.

Sa akin lang siya umaasa ng pagmamahal..

Kasi.. kahit mga magulang namin. Walang pakialam.Walang pakialam sa mga nangyayari saming dalawa. Ayos na sana kung..

Kung sakin lng sila walang pakialam.. pero hindi.! Masakit kapag nakikita kong nag-aaway sila.Lalo na pag nagpapatayan na sila sa harap namin.Pero mas masakit kapag nakikita at naririnig kong umiiyak ang kapatid ko ng dahil sakanila. Kaya mas lumalamang yung galit sa puso ko kung bakit nila nagagawa sa harap mismo ng mga anak nila yung ganun.

Lalaki ako. At alam kong hindi dapat umiiyak ang tunay na lalaki. Pero di ko maiwasang hindi maiyak kapag nakikita ko ang kapatid ko.nawawala lang yung lungkot ko kapag nakikita ko ang mga magulang namin at napapalitan iyon ng galit

Ako yung mas nahihirapan eh.Kasi ako yung nagbibigay ng pagmamahal. Pero paano ako.?Walang nagpaparamdam sa akin nun.

*****

''YOU?!!! BITCH! LAHAT NALANG BA NG PERA NG COMPANY UUBUSIN MO?"Kadarating ko lang galing ng school,yan na agad ang bumubungad sa akin. Kung pede lang hindi na umuwi sa bahay na to eh. Inaalala ko lng si Kristen. Baka umiiyak nanaman siya.

"HINDI KO INUUBOS BAKA YOU!! YOUR SO STRAVAGANT!! " hay!!

Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto at hindi ko parin sinasara yun. Nakatingin ako sa kanila ng masama pero parang hindi nila ako napansin.

Sinara ko ng padagabog yung pinto sabay umakyat sa taas.Napansin kong tumigil sila sa pagtatalakan at sinundan nila ako ng tingin pero di ko sila pinansin.Agad kong pinuntahan si Kristen sa kwarto niya kung anong ginagawa niya.. at nakita ko siya sa gilid ng kama niya't nakaupo at nakatulala. Sa ganitong sitwasyon ako awang awa sa kanya. Parang kagagaling niya lang sa pag-iyak.

"KRISTEN??!"hinawakan ko yung kamay niya at sobrang lamig nun.

"Kuyaa.. "iiyak nanaman siya. Ano ba 'to. Ayoko ng ganito!! Parang dinudurog yung puso ko.

"Anong nangyari? Huh?" Alalang-alala kong sabi sa kanya sabay inakap ko sya at mas-inakap niya ako ng mahigpit.

Iyak ng iyak si Kristen. Kaya inaakap ko lang siya. Nang mayamaya..

Di ko inaasahan to..

.
.
.
Tumulo yung luha ko. Agad ko naman yung pinunasan.Di ko na siguro kaya yung bigat na nararamdaman ko.

Alam niyo ba yung pakiramdam na sobrang bigat ng dala mo. Ang bigat bigat na. Sa sobrang bigat..
Nasasaktan kana pati ang kapatid mo.

Pero di mo parin mabitawan yung dahilan kung bakit ka nasasaktan kasi mahal mo sila kahit galit ka sakanila. Umaasa ka kasi na baka isang araw marialized pa nila.

Nagbuntong-hininga nalang ako at tinibayan ang loob. Ayoko kasing makita ako ng kapatid ko na umiiyak.

"Wag kanang umiyak. Wag mo nalang silang pakikinggan ha."hinalikan ko siya sa noo at tumango nalang siya.

Malaki na si Kristen pero bakit ganito? Bakit iyak parin siya ng iyak? Ang pakiramdam ko tuloy, dapat lagi akong nasa tabi niya.

15 anyos na siya kaya dapat turuan ko siyang lumaban at maging matatag.

*******

Maagang umaalis sila Rina at Victor. Ayun ang pangalan ng mga magulang ko. Ayoko silang tawaging mama? Papa? Dad? Mom? Gah!! ..

I Dont Mind(Short Story Niall Horan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon