Prologue

9 1 0
                                    

This novel is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

I also wanna give credits to the videos that I'll be using for this story. Please do not relate or compare this story to any people especially the singers of each music and videos that I'll be using. Please read at your own risk. 

Thank you and have a nice day! ^^ 

----------------------------------------------

"Katherine! Gising na! Maaga ka pang papasok," sigaw ni mama saakin. Unang araw nga pala ng pasok ngayon, at grade 12 na rin ako sa wakas. Isang taon na lang ng paghihirap at panibagong apat na taon na naman ang haharapin ko.

"Heto na po, Ma," sabi ko sabay bangon ko. Inayos ko na rin ang kama bago ako bumaba ng kwarto. Sinalubong ko naman si mama ng ngiti bago ako umupo.

"Katherine, malapit ka na nga palang grumaduate. Anong balak mong kunin sa kolehiyo?" tanong ni Mama habang humihigop ako ng kape.

Poging engineering, ma. 'Yun ang kukunin ko.

"Ah, BSBA po," maikling sagot ko. Baka maisigaw ko pa yung sinasabi ng utak ko, lagot ako nito kay Mama. Hindi naman masyadong istrikto si mama sa akin, pero may mga bawal lang. Istrikto na hindi, gano'n. Tulad ng pag-uwi ng walang kasama o pag-uwi ng late sa gabi.

"Basta kahit ano man ang kunin mo sa college, susuportahan kita. Gagawin ko ang lahat para makapag-tapos ka ha?" Nakangiting sabi sa akin ni Mama. Ganiyan pinapagana ni mama ang araw ko. Pero mas ginaganahan ako sa poging engineer.

Charot.

"Opo, ma. Saka kilala niyo naman ako 'di ba? Hindi ako basta-basta sumusuko sa kahit anong labanan," napa-iling na lang si Mama sa sinabi ko.

"O siya, bilisan mo nang kumain diyan at baka ma-late ka nanaman," ani Mama.

Nang matapos ko ang almusal ko ay dumeretso na agad ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay saka lang ako kinabahan nang maisip ko na malapit na ako mag-kolehiyo. Paano kung hindi ako makapasok sa dream university at dream course ko? Magiging failure ba ako? Paano kung ma-disappoint si Mama? Ngayon pa nga lang na senior high school, medyo mahirap na, paano pa kaya sa college?

Natapos akong maligo na puro tanong sa sarili ko. Sobrang kinakabahan ako kapag naiisip ko ang future. Siguro normal lang 'to at nararamdaman din ng iba, pero nababagabag ako sa magiging kinabukasan ko. Gusto kong maging successful para matupad ko ang mga gusto at hiling ni Mama. Napabuntong-hininga na lang ako paglabas ko ng banyo at saka ako umakyat sa kwarto ko para mag-bihis.

Naisip ko lang din, may mababago kaya sa buhay ko kung hindi kami iniwan ni Papa? Nasa grade 6 ako nang mamatay si Papa. Sobrang sakit para sa aming dalawa ni mama ang mawala si papa dahil siya ang nagpapasaya ng araw naming dalawa. Napapaiyak ako noon kapag naiisip ko siya. Alam kong kahit hindi sabihin ni Mama ay sobrang namimiss niya na rin si Papa. Nasanay kami na pinapatawa kami ni Papa. Nasanay ako na tinuturuan niya ako sa Math at Science ko noon.

Pagkatapos ko mag-bihis ay bumaba na ako para mag-suklay doon, ibinaba ko na rin ang bag at ibang gamit ko. Si Mama ay may pasok din ngayon sa law firm, isang legal secretary si Mama.

Maya-maya naman ay may dumating na bwiset sa buhay ko.

"Hello po, Tita! Good morning po," bati ni Hendrick kay Mama. Napalingon naman siya agad sa akin at nakasalubong ang dalawang kilay nang makita na hindi pa rin ako tapos mag-suklay ng buhok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If I DieWhere stories live. Discover now