Chapter 23

21 2 0
                                    

Chapter 23

Party


It was already the end of the week. I took that as a chance to take a break from social media shortly. Though hindi naman ako nawalan ng connection sa mga kakilala ko kahit pa dalawang araw akong inactive sa accounts ko.

I wasn't really afraid of missing out anything. Katunayan, kahit pa 'di ko binubuksan 'yong social media apps ko ay nakakatanggap pa rin ako ng mga balita galing sa mga koneksyon ko. Everyone just craves to provide me all the information even if I won't ask for it.

Sa pagbalik ng klase, gaya ng dating gawi ay sabay kaming pumasok ni Zeus sa school. Kaagad naman kaming sinalubong ng titig nang mga tao. Kung sa isang karaniwang araw, makakaramdam ako ng aliwalas sa kanila. Pero ngayon, pakiramdam ko may mali.

"Good morning, Zeus..." I heard Kissy spoke from behind. Pagpasok namin sa room ay nakasunod agad ang tingin ng mga kakalse namin sa amin.

I went to my chair and sat there quitely. Umupo rin si Zeus sa tabi ko kaya binalingan ko siya.

"Why are you still here?" Nagtataka kong tanong. Bahagyang pumungay ang mga mata niya. Ngumiti siya at hinarap ang mga kaklase namin sa likuran.

"Maraia," he called her. "Dito muna ako uupo. Okay lang?"

"Sure! No problem!" She grinned at us.

Our class started in just a minute. It went fine. But I just couldn't forget how everyone gazes at us, specially at me. Parang may mali talaga. Masyado na ba akong na-left out sa dalawang araw na pagiging inactive sa social media at mukhang ako lang yata ang walang alam sa totoong nangyayari?

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa canteen. Si Zeus lang ang kasama ko. Nauna kasi sina Vance sa loob.

I noticed how would people turn their head at us and that's not the usual vibe. I have no idea why they're acting that way. Baka siguro hanggang ngayon ay naninibago parin sila na makita kaming magkasama dalawa? Oo, tama, iyon nga dahilan. I tried to convince myself.

Pagkarating namin sa table, gaya ng karaniwang gawain ay nagkulitan kami habang kumakain. Pagkaraa'y napag-usapan namin ang celebration ni Chesley. Oo nga pala, sa huwebes na ang birthday niya.

"Baka hindi ako makapunta, Ches..." ani Eula na medyo problemado ngayon. "I think I need to study more kasi next week na rin 'yong exam natin, eh."

We will have our second quarterly examination this third week of month. October 21 is Chesley's Birthday. Huwebes naman iyon pero sa kinabukasn kasi no'n halos lumapag nang exam 'yong teachers namin. I'm not sure pero apat yatang tests 'yong i-t-take namin sa biyernes.

"Oo nga..." sumang-ayon din ni Aljander.

Nakita ko ang pagsimangot si Chesley.

"I won't take no for an answer. Dadalo kayong lahat!" She firmly declared as she looked at us one by one.

Napasinghap naman ang ilan sa amin dahil alam nilang mahirap tanggihan ang isang 'to. Chesley is eager and persuasive. Marami siyang binibigay na dahilan para hindi ka makaatras sa gusto niyang gawin mo. And she's very effective and flawless when it comes to that.

"Pupunta ako. Walang problema." Nagtaas si Zeus ng kamay niya at nangingiti. Siya lang yata iyong hindi humindi kanina.

Sunod agad na sumang-ayon ang iba pagkatapos niya. Napilitan na rin si Eula na um-oo sa huli. Zeus turned to me and raised his brow, mukha hinihintay rin ang tugon ko.

"Pupunta rin ako, syempre-"

"So we're all settled!" Chesley stood up. "Okay!"

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Vance at mukhang naalarma.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon