ISANG malakas sampal ang dumapo sa mukha ni Eury, umalingawngaw ang tunog ng sampal sa kabuan ng malaking sala. Mariin siyang napahawak doon. Nanlalabo ang mga mata niyang tinignan ang kanyang ama, maraming tanong ang naglalaro sa isip niya.
''Pinalaki kita ng maayos! Pinag-aral, binigay ko lahat ng kailangan mo! Tapos ito ang igaganti mo sa akin?! Sa ayaw mo at sa hindi, ikakasal ka sa anak ni Frederick galit na galit na sigaw ng kanyang ama.
Pabagsak na kasi ang kumpanya nila and the only way to save it ay pumayag sa alok ni Frederick Del Rio na maikasal si Eury sa anak nitong lalaki na nasa Dubai. Both of them has a reason kung bakit gagawin ang arrange marriage para sa mga anak nila. Ang rason ni Architect Clement ay para maisalba ang pabagsak na nilang kumpanyang na ilang taon niya ring pinaghirapan. At kay Engineer Frederick naman ay upang hindi bawiin sa kanila ang rice mill nila sa Batangas. Ang testamento kasi ng ama nito bago pumanaw ay kailangan makasal ang anak niyang lalaki bago mag 30 taon. Kung hindi iyon mangyayari ay sa kapatid nitong si Ignacio mapupunta. At ayaw iyon mangyari ni Engineer Frederick dahil kasama niya ng ama na nagpalago doon. At kung mapupunta ito kay Ignacio tiyak na mawawala iyon sa isang iglap lang because Ignacio is a beast gambler.
Tumulo na parang gripo ang luha ng dalaga. Nanginginig ang mga kamay niyang inabot ang kamay ng Daddy niya. Pero mabilis iyong itinaas ni Architect Clement. Isang malakas na sampal na naman ang nagbabadyang dadapo sa pisngi ng dalaga.
"Daddy, please... Please this time pakinggan niyo naman po ako. This time pwedeng ako naman po ang magdesisyon para sa sarili ko.'' Umiiyak na pagmamakaawa ni Eury sa ama. Ngunit kahit pa siguro anong sabihin nito ay hindi na magbabago pa ang isip ng kanyang ama na despiradong maisalba ang kumpanya.
Isang malakas na sampal muli ang natanggap niya, tumama iyon sa kanyang mga braso dahil isinangga niya iyon, upang hindi matamaan ang kanyang mukha. Napangiwi siya sa sakit, pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon sa puso niya.
''Decide for yourself?! You're stupid Eury! Ni hindi ka nga makapasa-pasa sa board exam?! Tell me how a stupid daughter like you could make a great decision for yourself and for the company?!'' Galit na sigaw ng kanyang ama. Idinuro siya nito.
Parang sinasaksak ang puso ng dalaga nang marinig iyon sa kanyang ama. How could a father treat her daughter this way? Sabagay bakit pa siya magtataka. All her life ganito na ang turing ng kanyang ama sa kanya. Isa siyang failure at malaking kahihiyan sa buhay nila. At kung hindi lang siguro kasalanan na kitilin ang buhay niya noong maliit pa siya siguro ay wala na siya sa mundong ito.
''All my life Dad, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang gusto ninyo, I shifted to Architecture kahit pagtuturo naman talaga ang gusto ko. I can't decide for myself because I let you decide for me. I I always follow you dahil akala ko kapag sinunod ko lahat ang gusto mo you'll treat me like my brother! I did my best to study so well, to get the grades that you want me to have. I don't party, I don't make friends, because you want me to study, study, study! I thought when I graduated the course you want, you will be proud of me. Pero hindi pa rin! And now you want me to marry a man na hindi ko naman kilala? I would rather die than marrying someone stranger!'' Puno ang hinanakit na sagot niya sa kanyang ama. The only reason kung bakit hindi siya pumapasa sa board exam sa architecture is because ayaw niya talaga. Ang hindi alam ng kanyang ama ay nakapasa na ito ng licensure examination for teacher nitong nakaraang araw lang.
Nanginginig sa galit ang kanyang ama. Maigting ang mga panga nito, nanlilisik ang mga mata niyang pinagmamasdan ang dalagang iyak ng iyak. Wala siyang ibang nararamdaman kundi pagkasuklam, galit at disappointment sa dalaga.
''You!'' Sigaw ng Daddy niya.
Nagpakawala ulit ito ng sampal, pero this time ay mabilis na umatras si Eury at tumakbo ito sa kanyang kwarto. Mabilis niya iyong isinarado. Sumandal siya sa likuran ng pinto, nanghihina ang tuhod niya kaya hinayaan niya ang sariling dumausdus paupo sa sahig. Yakap ang tuhod niya ay tahimik siyang umiyak. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa sakit. Kaya niyang tiisin ang kahit na ano mang masasakit na salita na galling sa kanyang ama pero hindi ang ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala.
''Minsan ba hindi niya ako minahal?'' puno ng pait at hinanakit na tanong niya sa sarili niya.
Hindi niya lubos maisip na may magulang na kayang tratuhin na parang hayup ang anak. How many times she'd heard sa mga classmates niya noon, kung gaano nagsasakripisyo ang mga magulang nila just to give them a better life, kaya nagpupursigi silang mag-aral. How many times she read on a books, watch on a movies that parent will do everything for the happiness and safety of their children? Pero bakit siya iba? Bakit iba ang parents na mayroon siya?
Mariin siyang umiling habang patuloy sa pag-iyak.
''I'm done! I have enough!'' Galit na sigaw niya na tanging ang apat na sulok lamang ng kanyang Malaki at eleganteng kwarto ang nakarinig.
Naisip niyang kung wala siyang magagawa para tutulan ang ama na ipakasal ito ay mas mabuti pang mamatay na lamang siya. Pero bago iyon mangyari gusto muna niyang maranasan kung paano maging masaya, kung paano maging Malaya.
Nagsuot siya ng blue na skinny jeans, itim na jacket at white na cap. Naglagay din siya ng light make up sa kanyang mukha. Ilang beses niyang pinasadahan ang sarili niya sa salamin. Napahaplos siya sa kanyang pisngi nang mapansin na mapula pa rin iyon kahit nalagyan na ng concealer. Mapait siyang napangiti.
''I will never feel hurt again, kung masaktan man ako ulit ni Daddy, alam kong hindi ko na mararamdaman ang sakit.'' malungot na sinabi niya sa sarili. Dahil pagkatapos niyang gawin lahat ng gusto niya mamaya ay handa na siyang mawala sa mundong ito. Hindi siya natatakot dahil alam niyang kapag mawala man siya walang may pakialam, walang maghahanap sa kanya, walang makakamiss sa anya, walang masasaktan at walang iiyak para sa kanya.
''Buksan mo ang gate!'' Sigaw niya sa guard ng kanilang bahay nang ilabas nito mula sa garahe ang GMC niyang pick-up.
Tumanggi ang guard pero wala rin itong nagawa, bumaba si Eury at siya na mismo ang nagbukas. Mabilis ang pagpapatakbong ginawa niya, halos gumewang-gewang ang sasakyan sa bilis nito. Hindi niya iyon alintana. Tutal kung may mangyari man ngayon sa kanya ay handa naman siya.
YOU ARE READING
Ruling this Heart
RomanceShe is a failure, iyon ang tingin ng mga magulang ni Eurydyce sa kanya. She don't have a happy childhood, puro pang-iinsulto ang natatamo niya sa kanyang ama. Though hindi niya naramdaman na mahal siya ng kanyang magulang ginawa pa rin niya ang laha...