chapter 29

293 15 14
                                    

LOVELY ANNE POV

naglalakad kami ngayon sa buhangin habang naka posas pa din ayaw nya talagang alisin

"San Tayo pupunta?" Tanong ko dahil lumalayo na kami

"Kakain Tayo"

"Huh? Saan?"

"Dun sa paborito kong kainan"

Nagpatuloy lang kami sa pag lalakad ng marating namin Ang isang simpleng kainan at sakto Walang tao

Pumasok kami sa loob at agad na binati ng matandang babae Ang kasama ko

"Bong?! Buti napunta ka dito iho" masayang bati ng matandang babae sakanya at lumipat Ang tingin sakin

"Eto naba Ang misis mo iho?" Tanong naman ng matanda na ikinalaki ng Mata ko

"Nako hin-"

"Opo sya nga po aling maria" biglang singit naman ng lalaking to

Pinanlakihan ko naman sya ng mata pero tinawanan nya lang ako ng mahina

"Eh bakit naka ganyan Ang kamay nyo?" Takang tanong naman ng matanda

"Ah para po Hindi mawalay sakin etong misis ko baka po kasi makawala pa" nakangiti nyang sagot

"Nakuu Ikaw talaga iho Mahal na mahal mo talaga Ang misis mo no?" Tumingin naman sakin si bong at nag salita

"Mahal na Mahal po" sagot nya ng nakatingin ng diretso sa mga Mata ko

Nag iwas na Ako ng tingin dahil sa kilig

"O sya sige maupo na kayo" naupo na kami at binigay samin Ang menu

"Anong gusto mo love?

"Kare kare na Lang ako "

"Ah dalawang order ng kare kare tapos dalawang kanin at Dalawang tubig"

Umalis na ung kumuha ng order namin at eto Naman katabi ko ay nakatingin sakin

"Tinitingin tingin mo dyan " pag susungit ko sakanya

"Ang Ganda mo Kasi misis ko eh"

"Pede ba stop calling me misis okay "

"Why? Eh misis naman talaga Kita love" he said

"Whatever" sagot ko at inirapan sya

"Bakit ba Ang sungit mo Teka? Don't tell me buntis ka?!" Pinagsasabi na Naman Neto jusko

"Adik ka? Hindi ako buntis sadyang nabwibwisit lang ako sa pag mumuka mo!"

"Sa mukang to? Eh Ang gwapo ko nga!" May bagyo pala ngayon?

"Wow San ka kumukuha ng kapal ng muka?" Lakas ng tama eh

Dumating Naman Ang order namin at nag simula na kaming kumain tinanggal na din nya ung posas sa Wakas

Kasalukuyan kaming kumakain nang may pumasok na tatlong poging lalaki na mukang kakain din

Naupo Sila sa katapat namin na table. Kami naman ay patuloy pa Rin sa pagkain

Maya Maya ay lumapit samin Ang isa

"Hi miss pede ba makipag kaibigan" sabay lahad ng kamay nya

"Sur-"

"No!" Biglang singit naman netong katabi ko

Nahiya naman ung lalaki at binaba na Ang kamay nya

"Ah sir sorry gusto lang po Sana makipag kaibigan sa anak nyo" pinipigilan ko namang matawa sa sinabi ng lalake

Lalo naman dumilim Ang muka netong bonget nato

"She's not My daughter! She's my wife! Kaya umalis kana" inis na Sabi ni bonget

"Ohh okay sir I'm sorry po" hingi nyang paumanhin at bumalik na sa table nila

Ako Naman ay pigil na pigil Ang tawa dahil sobrang sama ng itsura ng katabi ko

"Alam Kong gusto mong tumawa kaya wag mo nang pigilan yan" Sabi nya at umirap pa!

"Hahahahahaha sorry Hindi naman Kita mukang tatay eh hahahaha"

"Tsss kaya pala tawang tawa ka! At Teka bakit papayag ka makipag kaibigan dun ha!"

"Bakit masama ba? Kaibigan lang naman di naman jojowain pero kung gusto nya pede din" nakangiting biro ko na Lalong nag padilim ng aura nya

"Huh! Talaga ba? Para Kang Walang Asawa ha!" Inis na Sabi nya

"Wala naman talaga eh hahaha" tumatawang sagot ko sakanya Ang sarap nyang asarin hahaha

"Eh anong tingin mo sakin?"

"Ninong?" Galit naman nya Kong tinignan

Hindi na nya ko pinansin at nag patuloy sya sa pagkain

Na guilty tuloy ako ng slight

Pagkatapos namin kumain ay nag paalam na kami Kay aleng maria at nag lakad na pauwi nauuna syang lumakad kaya naiiwan ako

"Bonget! Pssstt! Huy! Bonget! Ferdinand!" Aba ayaw akong pansinin

Nagpatuloy lang sya sa pag lakad kaya ako ay naiwan na puro gubat na Ang paligid dahil sa Isla nakatayo Ang bahay nya

May napansin naman akong mga alitaptap sa Bandang gubat kaya pinuntahan ko eto. Ang gandaaaa

Sa patuloy Kong pag lalakad ay diko namalayan na napalayo na pala ko puro puno na Ang paligid at Hindi na kita Ang dagat

Shit! Naliligaw na ata ako!

"Bong! Tulong! Bong! Huhuhu" naiiyak nako Hindi ko Makita Ang daan palabas sa gubat nato

Sobrang dilim pa naman natatakot ako huhuhu tanging liwanag galing sa buwan lang Ang nag sisilbing liwanag dito sa gubat

Nag patuloy lang ako sa paglalakad at nagbabakasakali na makalabas dito

"Ahhhhh!!!!!"





AN: hi guys! Sorry now lang ako nag UD ulet HAHAHA super busy lang talaga! Labyahhhh

MY GODFATHER FORBIDDEN LOVE (A BONGBONG MARCOS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon