Chapter 12 ♚ Feelings

40 8 0
                                    


♔Aldren POV♔

Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Nasabi ko na. Nasabi ko na sa kanila. Sila Kurt, Blake at Kyler. Sabi sa 'kin ni Kurt halata na daw.

Pano ba? Anong gagawin ko? Di ko alam eh. Sasabihin ko ba o hindi? Mabubusted lang ako. Alam niyo naman na sa away kami nag simula. Kaming lahat pero ewan ko kung matatanggap niya ako.

Di ko nga alam kung gusto niya ako eh. Pero gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kahit ganun siya gusto ko siya. Siguro dahil sa galit kaya nasabi ko na MAHAL KO SIYA pero di ako sure dun. Sa galit lang siguro. Pero totoo gusto ko na siya. ∩__∩

Ang gulo noh?

♔Brix POV♔

Hoo! Grabe tong si Ace maka drive wagas. Papunta kami sa Mall eh. Sabi ko sa kanya sarado na kasi mag te-ten na ng gabi pero mapilit eh kaya ayan papunta kami. Haha! Joyride lang.

Habang papunta kami....

"WoaaaH ang ganda!" Sabi niya at niliko ito sa isang daan. At saan naman kami pupunta! Duon kaya ang daan papuntang Mall. Tsk!

"Bro, tignan mo oh ang ganda ng sasakyan niya Porche Carrera GT naks! Yaman siguro ng may ari niyan. Makipag karera tayo" sabi niya tinignan ko naman at oo nga ang ganda ng sasakyan niya. Sino kaya yan?.

Binilisan niya ang pag papatakbo. Nang kami ang lumalamang maslalong binilisan nung nag dra-drive sa isang sasakyan. Hanggang sa nauna na kami at blinock ang way nila.

Ilang minuto ay walang bumaba kaya bumaba na kami ni Ace.

"Brix ikaw na ang lumapit" sabi niya binigyan ko lang siya ng death glare kaya ayun pumunta na haha!

Mga ilang minuto bumalik na siya.

Tawa ng tawa. Tsk! Ano kayang nangyari?

"Nangyari sayo?" Tanong ko

"Hahaha! Kasi akala ko lalaki yung nag dra-drive babae pala! Haha! Grabe di ako makapaniwala! Hahaha!" Sabi niya. Babae? Sino kaya siya?

"Babae? Sigurado ka?" Baka mali lang haha!

"Oo nga pare. Meron pa nga siyang kasama eh isang babae di ko kasi nakita don sa likod kung may tao basta dalawa silang babae. At ang gaganda nila ah! Mukhang diyosa ang mga mukha nila." Sabi niya so Babae nga talaga.

"Halika na umuwi na tayo" pag yaya ko pero bago kami pumasok sa sasakyan.

"Sa susunod kilalanin niyo muna!"

Sigaw niya at sinara na ang bintana.

"Sabi ko sayo brad eh mga babae, tsk!" Sabi ni Ace. Oo nga maganda sila. Haha!

Pagkatapos nun umuwi na kami.

--

Kinaumagahan....

"Kuyaaaaaaaa!! Punta tayong park!" Sigaw na may excitement sa mukha niya.

"Ah.. "

"Kuyaaaaaa! Sige naaaa!" Paawa efect pa siya at nag pout haha! Cute talaga ng kapatid ko.

"Sige pero mamayang mga 3 ng hapon ha" sabi ko

"Okey po!" Sabi niya at tumatalon pa.

--

Park..

"Oh dito ka na ha, wag kang lalayo pina bantayan kita kay ate mo" sabi ko

Tapos lumapit ako sa Ate niya i mean yaya sinabi ko lang na ate. Haha!

♛Campus Royalties♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon