Alas-tres pa lang ng madaling-araw, pila na ang mga customers na nagpapagiling ng karne kaya hindi na kami magkandaugaga nina Inay at T'yo Pido.
Sabi ni Inay,kahit nung mula zygot,embryo,fetus,baby pa lang ako, bahagi na ang palengke sa buhay ko at literal na dito si Inay inabutan ng panganganak kaya itong palengke,itong pwesto namin,ito mismo ang una kong naapakan.
Ako ang mutya ng May Pag-asa Wet Market o MPWM,ang ibig sabihin nito,ako ang pinakamaganda sa buong pamilihan. Bininyagan ako sa pangalang Hannah Jhoi Legan,ang prinsesa sa angkan ng mga Legan. Hindi ko na nakilala ang tatay ko, apelyido ni Inay ang gamit ko at kahit kelan,hindi ko pinangarap hanapin ang tatay ko, dahil andyan naman ang mga kuya ni Inay na sina T'yo Pido,T'yo Bimbo at T'yo Gibo.
Lumaki akong silang tatlong matatandang binata ang aking ama. Sila ang dahilan kung bakit may pagka-maton akong kumilos sa kabila ng kagandahang taglay ko. Ngunit tigasin man akong kumilos,malambot naman ang aking katawan,lalo na kung sasaliwan ng musika. Hataw ako kapag gumigiling ng karne pero hataw din ako kapag gumiling sa pagsayaw. Yan ang talento ko. Sumasayaw ako sa mga pyestahan o birthday-an. Raket din yun,me bayad syempre.
Ano ang pangarap ng isang tulad ko? Magkaroon ng sariling babuyan para mas malaki ang kita sa slaughter na ang namamahala ay sina T'yo Bimbo at T'yo Gibo.
Ipinagtutulakan nila akong magtapos ng kolehiyo pero hindi naman kaya ng utak ko. Kaya wala naman akong ginawa sa eskuwelahan kundi ang sumali sa mga sayaw-sayaw. Nung una,galit na galit sila sa akin dahil hindi ako nagpupursigeng mag-aral pero pagkalipas ng apat na taon na sumakit ang ulo nila sa kakapunta sa school dahil sa mga bagsak ko ay pinabayaan na nila akong wag tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo.
At simula noon,ang palengke na ang naging buhay ko. Masaya naman ang lahat maliban na lang sa...
"Goodmorneng Miss Byutipul!"may kasama pang kindat ang pagbating iyon ni Carding kasama ang dalawang alipores nito.
"Ikaw Pulpul na alagad ni Satanas na tagapagdala ng malas ay lumayo-layo sa pwesto ko!"galit kong sabi na inihanda sa ere ang matalim na itak.
"Napakatamis talaga ng iyong mga salita binibini ng puso ko!"nakangiti pang sabi nito.
"Isa ka talagang malaking pang-asar sa buhay ko. Ke aga-aga,nag-alta presyon ako sa iyo!"
Walang anumang binuhat ako nito."Ibaba mo ako!"gigil kong sabi.
"Dadalhin na kita sa ospital kung nag-a-alta presyon ka!"nag-aalala pa kuno ang boses nito.
Kinagat ko ito sa braso kaya napilitan itong ibaba ako.
"Hindi ko alam kung bobo ka lang talaga o manhid ka. Ayaw kitang makita kahit kailan!"sabi ko na ikinalungkot ng mukha nito.
"Miss Hannah Jhoi,gusto lang naman ni Boss na ibigay sa iyo ang mga rosal na ito bilang tanda ng kanyang wagas na pag-ibig sa inyo!"sabi ng alipores nitong si Glakten.
"Isa ka pa!"sabi ko na tinapunan ito ng tubig na mula sa pinaghugasan ng karne.
"Miss Hannah Jhoi,tanggapin mo na kasi ang pag-ibig ni Boss,"litanya ni Bupoks.
"Isa ka pa!"gigil na tinapunan ko rin ito ng tubig. Suko ako sa kakulitan ng mga ito araw-araw.
"Binibini,ano ba talagang kailangan kong gawin para bigyan mo naman ako ng pagkakataong ligawan ka?"
"Magpatattoo ka ng mukha at pangalan ko!"hamon ko dito.
Kinabukasan, pagbukas na pagbukas namin ni T'yo Pido ng gilingan ay bumungad sa harap ko si Carding,hubad-baro ito at ipinapakita ang tattoo nito sa dibdib na mukha ko nga.
BINABASA MO ANG
FEELING-ero VS GILING-era
RandomPaggigiling ng karne,yan ang marangal na trabahong ipinamana sa akin ng mahal kong ina. Ako si Hannah Jhoi Legan, ang pinakasikat na giling-era dito sa palengke ng May Pag-asa Wet Market... tahimik sana ang buhay ko kundi lang binulabog ni Carding...