"Relaeh, wake up, kailangan mo pang pumasok sa school"Nagmulat ako ng mata, isa nanamang araw na kailangan lagpasan pero konting tiis nalang at mapupuntahan na kita jan, jess.
Nagaayos na ko ng gamit ng makita ko ang nakaipit na litrato, I smiled when I see it, the two of us, smiling at each other. Nagbuntong hininga ko, ang babaeng pinakamamahal ko simula ng magkaisip ako, konti nalang mapupuntahan na kita jan. Tinago ko na sa drawer ko ang picture at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.
Inampon ako sa isang ampunan kung saan dun kaming dalawa lumaki, nauna siyang ampunin dahil may sakit siya nagalit ako sa kanya nun dahil nagpromise kami sa isa't isa na walang iwanan, pero inampon din nila ako dahil sinabi ni jess pero nung kailangan niya ng magpaopera ipinaampon nalang ako sa iba dahil hindi na nila ako maisasama pa sa america.
Naaalala ko pa bago siya umalis nangako kami sa isa't isa na magkikita ulit kami at magpapakasal, nakakatawa diba? Kay babata pa makapag-isip iba na. Pero ngayon tototohanin ko iyon dahil malaki na kami.
"Relaeh, ba't kanina kapa tulala?" Tanong ni Vin, isa sa mga kaibigan namin ni jess.
"Ah, iniisip ko lang kung paano kami mag kikita ni jess." Sabi ko sabay subo ng pagkain. Nasa canteen kami ngayon, wala pa yung iba naming barkada dahil iba iba ang course namin sadyang kami ni Vin ang magkatulad ng kinuha.
"Pre, wag mong mamasamain ah, pero magkikita paba kayo? Parang imposible" may kirot sa puso ko ng marinig ko yun.
"Walang imposible sakin, ge alis muna ko " sabay tayo at naglakad na.
***
Bumalik na ko sa room ng magising ako. Pumunta kase ako kanina sa garden para magpahangin.
Nagumpisa ang klase at nakinig nalang ako sa teacher namin at natapos din ng halos dalawang oras.
Nagligpit na ako ng gamit at lumabas na ng room.
"Relaeh!" Hiyaw sakin ng mga barkada ko kaya tinanguan ko sila.
"Wala sa mood?wag ganun pakasaya tayo at malapit na ang bakasyon!" Sabi ni Gail, isa sa barkada namin pero kaming lahat ay galing sa iisang ampunan at nagkaroon pa rin ng koneksyon dahil halos magkakaibigan lang din ang nagampon samin.
"Oo nga pre, Yaan mo baka umuwi na rin naman siya." Sabi ni Ravin.
"Sana nga" sagot ko. Pero ang balak ko sana puntahan siya sa america. Nakapag uusap pa kami noon pero bigla nalang naputol dahil ang sabi lumipat na sila.
"San tayo ngayon!?" Masiglang tanong ni Denara.
"Arcade!!!" Sabay sabay naming sabi.
Pumunta na kami at naglaro ng naglaro.
"Oi Vin! Bumili ka ng token! Aba! Nakikigulo ka naman sa pag babasketball ko!" Sabi ni Denara.
Hay di talaga sila nagkasundo. Pero may past sila.
"Relaeh! Wala kang balak maglaro?" Tanong ni Ken sakin.
"Wala akong gana ngayon." Sabi ko.
Lumapit si Sophia at tumabi sakin. Isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Jess.
"Wala parin bang balita?" Tanong nito.
Nagbuntong hininga ako at sabi,"Wala pa, pero gusto ko siyang puntahan sa america this coming vacation."
"Talaga!" Pwede mo naman kaming isama para mapadali." Sabi niya. Sabagay tama siya hindi lang din naman ako ang nagaalala sa kanya.
Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.
"Sino?"Tanong ni Sophia.
"Unknown number" sabi ko.
Binuksan ko at nagulat.
Damn.
"Anong sabi?" Sabay tingin niya nagulat din siya at kinuha sa cellphone ko ng nanginginig.