Tama nga ba?

0 0 0
                                    

Masarap umibig,sigaw Ng kabataan
Bakit hinahadlangan ang kaligayahan
Patampitampisaw sa pagmamahalan
Di Naman batid,Ang kahihinatnan.

Durog na durog sadyang itong irog
Na sadyang nalubog sa lalim Ng ilog
Langoy sa sarap sa diwa Ng pag ibig
Di Naman batid Ang tunay na diwa na ibig ipahiwatig.

Ibinilad na lahat itong musmos
Sa pagkakagapos umalpas na lubos
Bingi na nga,kahit dila mapuspos
Matikman lamang Ang Mahal na yapos.

Sigaw Ng Laban
para sa nararamdaman
Kahit mga hikbi ay ayaw pakinggan
Walang ibang Tama,Ang sarili lamang.

Pag-ibig nga ba o kapusukan?
Nakapiring na Mata o nabubulagan
Tangis ni Ina ay ayaw pakinggan
Puso at karupukan,Ang kanyang Alam.

Paano susupilin Ang damdamin?
Sa matinding nararamdaman
Kahit sibat ay haharangan
Maling pag ibig ilalaan.

Paano na Ang kinabukasan
Kung tinig ay ayaw pakinggan
Hikbi ni inang walang pakialam
Di batid na dulot ay kabutihan.

Halos manlimos Ng pang unawa
Ngunit iyong Bata ay sadyang Wala
Wssak na at puro na Lang luha
Pagasa ay pakiwari mawawala.

Susuko ba o kalaban
Hahawakan ba o pakakawalan
Mga katanungang nagugulumihanan
Ang kawawang magulang,sa kawayan.

Hiding na,bumangon ka na
Lahat ay ihinain na
Ikaw na Lang Ang magpasya
Kung Mali o Tama nga ba?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MusmosWhere stories live. Discover now