Euan's P.O.V
Puro galos, bali ang kamay at pagod na pagod na ako. Sakal sakal na ngayon ni dad si Tammie.
"Bitawan mo si Tammie!"
Parang walang narinig si dad, no hindi na siya si Dad halimaw na ang nasa harap ko. Dahan dahang humarap sa'kin ang halimaw. Hindi na pula ang mata nito kundi itim na uli.
"Eu... an..."
Biglang may umusbong na pag-asa sa loob ko, parang may inalis na mabigat sa pagkatao ko at gumaan ang pakiramdam ko.
"Dad!"
Gusto kong tumalon at sumayaw dahil sa pag-asang makababalik pa si dad sa dati.
"An... nak tama na.... wala ng pag... asang.. bumalik.. pa ko sa.... dati... patay... in... mo na lang ako.... hindi uubra... ang baril at .. kutsilyo... kay...langan... mong... pugutin... ang ulo ko..."
Para kong binuhasan ng malamig na tubig sabay nilublob naman sa mainit. Namanhid ang katawan ko at literal na tumigil ang mundo ko. Parang hinila ko sa impyerno at naririnig ang nakakabinging tawa ni satanas. May pag-asa pa 'di ba? Babalik pa si dad.
"No dad! Ano bang sinasabi mo! Bitawan mo na si Tammie baka hindi na niya kayanin! Pakakasalan ko pa 'yan!"
Ganto ba talaga pag gwapo? Madaming problema? Grabehan! Kahit ikaw god naingit sa kagwapuhan ko kaya pinapahirapan mo ko? Wag ganun!
"Ma..mili... ka .. eu...an... mama...mamatay... ang mahal mo... o ... ako ang papatayin mo...."
Hinigpitan niya ang hawak sa leeg ni Tammie. Ang gwapo ko shit! Parang may magic at nakakita ako ng itak. Kahit ang mga diwata nagagwapuhan sa'kin. Pero sorry sila kay mogu mogu pie lang ako.
"Dad!"
Nanginginig na lumapit ako at pinutol ang ulo ni daddy. Umiiyak na napahawak ako sa kamay ko. Pinatay ko ang daddy ko, pinatay ko ang nagbigay ng kagwapuhan sa'kin.
Hindi siya ang dad mo Euan! Halimaw 'yon. Masyado kang gwapo para magkaroon ng ama na halimaw. Tama lang ang ginawa mo , nahihirapan na siya kaya tama lang na tapusin mo na ang paghihirap niya.
Tama ang konsensya ko pero mas gwapo pa 'rin ako.
Iisa lang tayo, kung pangit ako pangit ka.
Ganun ba? O edi parehas na tayong gwapo!
"Euan!"
Shit si kiwi pie! Maraming mga kalaban ang dumating. Mabilis akong lumapit kay Tammie at niyakap siya. Putok ng baril lang ang naririnig ko. Ramdam ko ang bawat pagbaon ng malamig na metal sa katawan ko.
"Akala nila kapag pinatay nila ko magiging gwapo na sila! Huh! Nag-iisa lang si Euan Jacinto kahit pumunta ka ng pluto wala kang makikitang kasing gwapo ko kahit patay na 'ko."
Bumagsak ang katawan ko at namanhid. Hindi manlang ako nakapagkalat ng lahi tsk. Maganda sanang kapareha si durian pie eh. Pinikit ko ang mata ko at hinayaang lamunin ng dilim.
Tammie's P.O.V
Niyakap ako ni Euan at sinalo ang lahat ng bala. Parang slow motion ang lahat.
"Akala nila kapag pinatay nila ko magiging gwapo na sila! Huh! Nag-iisa lang si Euan Jacinto kahit pumunta ka ng pluto wala kang makikitang kasing gwapo ko kahit patay na 'ko."
Nagagawa niya pa ring magbiro kahit mamatay na siya.
Huminto ang lahat na ikinagulat ko. Nawala ang ingay kundi tahimik lang. Hindi na rin gumalaw si Euan.