Minsan ng Nawalan...

22 2 0
                                    

Pagkamulat ng aking mata, naramdaman ko agad ang malamig na ihip ng hangin kasabay nito ang pagpatak ng luha sa aking mata. Kahit pilit kong kalimutan ang bawat pangyayari pilit pa din nito akong binabangungot, hindi ako makatulog. Iniisip ko sya, kami, at ang sakit-sakit na...

"Margaux, I guess its been a long time since that happened. It's time now to move-on." Paulit-ulit na sinasaksak ng bawat alaala ang utak ko, masyadong masakit sa tuwing may nagpapaalala sakin ng kahit anumang detalye ng mangyari ang araw na yun.

"It is not that easy, Aya. Hindi madali makalimot sa mga bagay na nagbigay ng marka sa puso't-isip mo." Ang sabi ko habang nakahiga at nakatitig sa kisame na kulay puti.

"I know but sana naman itry mo, diba? Why don't you join us later? May hangout ang barkada, we miss you girl. We miss our Margaux, the jolly one." Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. Maski ako namimiss ko na din ang dating ako. Masaya, positibo sa buhay at laging nakangiti. Ano ba kasi ang nangyari sakin? Napakahina ko pala talagang tao.

FLASHBACK

"Babe!" Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ng lalaking pinakamamahal ko. Ay grabe! Ang landi ko naman tignan hahaha. Siguro kung naririnig lang to ni babe, kinilig na yun hahaha.

"Babeoy, napadaan ka dito?" Bungad ko sakanya.

"Uhmmmmmm... gusto ko lang naman na malaman mo 'na...."

Naningkit yung mata ko kasi, pinutol nya yung sasabihin nya tapos para syang batang kinakabahan.

"Ano?!" Nayamot ako bigla. Kaya medyo nalakasan ko yung pagsigaw ko.

Bigla syang ngumiti ng sobrang lapad na ikinataka ko at bumulong sya sakin at sabay sabing "gusto ko lang namang sabihin na mahal na mahal kita babe."

Biglang uminit ang paligid, o ako lang yun? Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko pakshet.

"Si babe kinilig. Hahaha! Ang cute mo talaga babe, basta mamayang gabi ah? Hintayin mo akong magout. Sabay tayong uuwi. See you later, I love you!"

Loko talaga yung lalaking yun. Dibale mahal ko naman. Ang landi ko na ba hahaha.

END OF FLASHBACK

"Ahmmmm.....sasa---ma na ko."

"YES! AT LAST NAPILIT KA DIN. I'M SO EXCITED NA TULOY MARGS!" Halos tumalon-talon pa si Aya sa saya. Ganun ba kabigdeal ang pagsama ko?

FLASHBACK

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Sa wakas dumating din tong lalaking to, akala ko aabutan ako ng pagsikat ng araw eh.

"Hindi naman, mga tatlong araw lang naman."

"Sorry na babe!"

"Kung sana lahat ng sorry maibabalik yung mga bagay na nawala o nasira na edi masaya."

"Humuhugot ka na naman babe eh, sorry na. Ililibre na lang kita ng kahit ano." 

"Talaga?!" Hindi ko mapigilang ngumiti, but I must resist--------- okay, di ko kaya.

"Alam ko namang di mo 'ko matatanggihan e! HAHAHA!" Nagiging hambog na naman sya, pasalamat to mahal ko sya.

"Yung libre yung di 'ko matanggihan, hindi ikaw." Sabay make face sa harap nya hahaha! Para kaming bata dito sa labas ng building.

"Naku babe, tara na nga. Ayoko na ng mga banat mo masyado ng masakit sakin. Dito oh, ang sakit." Sabay turo sa puso nya at umarte pang nasasaktan kuno. Pasaway talaga napangiti na lang ako pagkasakay namin ng kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MINSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon