Chapter 1: A new beginning

28 0 0
                                    

every ending story starts a new beginning..


Masakit pa rin isipin ang bakas ng kahapon. Halos limang buwan na rin mula nung iniwan nila ako sa ere. Hindi ko sila maintindihan kung pa'no nila natiis na kalimutan na lang ako. Sobrang sakit yung dinulot nun sa akin.

Sa tuwing naiisip ko yung ginawa nila, hindi ko maiwasang maluha at parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ganun nalang ang pagkamuhi nila sa akin. Una dahil lahi kami ng mga sundalo mula sa great grandfather ko, grandfather ko, papa at ang dalawa kong kuya. Naiintindihan ko na isa akong lason para sa reputasyon ng pamilya namin, kumbaga isa akong black sheep ng pamilya.

Pero bakit ganun? Sobra naman yata yung ginawa nilang ito? Okay lang naman sana kung pinagsabihan lang nila ako- na "anak alam mo namang lahing militar tayo, kahihiyan yan!" o di naman kaya ay ipadala nalang sa isang military school para magtanda. Pero hindi eh, nakaya lang naman nila akong ewan. Isipin niyo, labing apat na taong gulang lang ako, hindi ko pa naeexplore ang mundo. Paano ako kakain? Paano ko bubuhayin ang sarili ko? Kailanman ay hindi nila naisip yun! Kasuklam suklam silang pamilya! Napuno ng galit ang puso ko.

Sa bawat araw na nagdaraan ay nakalimutan ko na sila. Kung yun ang gusto nila ay yun din ang gagawin ko.

Kahit walang laman ang tiyan ay walang sawa akong naghahanap ng trabaho na pwedeng mapasukan, pero walang gustong tumaggap sa akin. Eh sino ba naman ang tatanggap sa akin? Eh parang musmos lang nga ako!

Halos mawalan na ako ng pag-asa nun, wala na akong makain dahil ubos na ang perang naitabi ko galing sa pagsanla ng cellphone ko.

Isang araw ay hindi na nakayanan ng katawan ko ang palaging pagkalam ng sikmura ko. Bigla nalang akong bumagsak sa gilid ng daan. Sino naman ang hindi tutumba kong ang palaging dina-digest ng sikmura mo ay hangin sa loob ng limang araw? Hindi ko nga inasahan na tatagal ako nun ng walang kinakain.

Pagkagising ko ay nakita ko ang isang magandang babae. Huli na ng nalaman kong nasa ospital pala ako. Sinabi niya sa akin ang nangyari nung natumba ako. Buti nalang daw at napadaan sila sa gawing iyon at nakita nga nila ako sa aking kinahinatnan.

Tinanong niya ako kung bakit daw ako nagpapagutom. Kung alam lang nila! Dahil na rin sa utang-na-loob ay ikinuwento ko sa kanya ang naging storya ng buhay ko mula nang iniwan ako ng kasulam suklam kong pamilya at ang pahahanap ko ng iba't ibang trabaho.

Nahabag naman ang babae sa akin, pero sinabi ko sa kanya na huwag niya akong kaawan dahil ang awa ay para lamang sa mga taong sinasayang ang mga buhay nila. Ako hindi!

Dalawang araw rin ang pamamalagi ko sa ospital. Lubos ang pasasalamat ko kina maam Leam at sir Mike dahil sa pagtulong nila nang matumba ako sa daan hanggang sa paglabas ko dito sa ospital. Sila na rin ang nagbayad ng gastosin sa ospital, medyo nahiya nga ako dahil wala man lang ako ni kusing na inambag. Pero sabi naman nila na huwag ko na lang daw yun alalahanin.

Bago ako ma discharge sa ospital ay nag usap muna kaming tatlo. Tinanong sa akin ni maam lean kung payag raw ba akong magtrabaho sa kanila bilang boy pansamantala hanggang makahanap raw ako ng trabaho ng sa gayun ay hindi raw ako mam-rublema sa pagkain at titirhan ko dahil libre naman daw yun pag tinaggap ko ang alok niya. Sinigundahan naman iyon ng kanyang asawa.

Dahil na rin sa nahiya akong tanggihan ang mga taong tumulong sa akin at pabor din naman to para rin sa akin ay walang atubiling tinanggap ko ang alok ng mag-asawa.

Nung niyaya nila akong sumabay na sa kanila papunta sa bahay nila ay maayos akong tumanggi at sinabing hindi na at kukunin ko pa iyong mga gamit na naiwan ko dun sa likod ng stage ng covered court. Hindi naman sila tumutol at ibinigay nalang sa akin ang address ng bahay nila. Kalakip nung kapirasong papel na inabot sa akin ni sir mike ay ang limang daang pisong papel. Sinabi niya sa akin na tanggapin ko na raw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manhid na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon