2

9 1 0
                                    

Kabanata 2

"Ah, daddy hindi pa po ba tayo uuwi?" Napapraning na ako dito simula nung nakita ko si Klein. Ewan ko lang, wala naman akong ginawang masama pero para akong nagi-guilty.

" Hindi pa tayo nakakaabot sa heart ng campus Hera Emerald. Bakit may problema ba?" Nagtatakang pagtatanong ni daddy sa akin.

"Ah, eh...nabobore na kasi ako dad eh. Oo, yun nga!" Ang langya naman ng excuse ko.

"Ah..ehem" biglang nagsalita si Mrs. Avelino kaya nabaling ang atensyon namin sa kanila.
"Maganda po ang tiyempo niyo sa pagbisita sa campus. May activity po kasing ginaganap ngayon sa gym, baka gusto niyo pong tingnan?"

Ano naman kayang klaseng activity yan? Hindi ko na napigilan kaya nagtanong na talaga ako.

"Ano ba yung activity dun, Mrs. Avelino?"

"Acquaintance party ng mga students, eh di ba kakasimula pa lang ng klase? Kaya nag-organize ang student council ng ganoong event" kaya ba bakit nandito si Klein? Onssdrjcjab#%?#(! Bakit ko ba masyadong wino worry ang presensya ni Klein?

"Ah ganun po ba? Ah s-sige...maybe we can check it out! Right dad?" Ngumiti ako at tinignan si daddy na parang sinasabing 'diba?? Pupunta tayo?'

Eh sa kadahilanang hindi ako matiis ni daddy ay pumayag siya. Pagkarating namin ay napakaingay at may naririnig akong tumutugtog at kumakanta. Parang chorus na yata nung dumating kami. Boses lalaki yung kumakanta at parang pamilyar.

Tell me what you want to hear
Tell me that 'll light those ears
Sick of all the insincere
I'm gonna give all my secrets away

Favorite song ko yun sa One Republic ah. Tiningnan ko kung sino ang kumakanta at nabigla ako ng nakita kong si Klein ang nasa stage. Kinusot ko ang mga mata para makasigurado, siya nga! Ang ganda ng boses nya, mala Justin Bieber hahaha de joke lang! Bakla kaya yun hehehe. Pero kidding aside...ang ganda talaga, nasa tono at parang effortless lang siya kung kumanta.

Nadistract ako sa pakikinig sa kanya nang nagsalita si dad. "Hindi ba, iyan ang anak ni Mayor Buenavista?"

"Opo, siya si Klein Elric Buenavista. Panganay ni Mayor." Sabi ni Mrs. Avelino.

Tumango tango lang si daddy. Halatang na-gaganahan sa boses ni Klein pero na walan ng gana nang nalamang Buenavista siya.

Nang natapos ay dinig na dinig ko ang mga hiyawan at tili ng mga tao, mostly mga girls. Nagsalita yung emcee pagkatapos.

"Thank you for that astounding performance KLEIN Band! We can't wait to know your secrets" umeechos naman tong emcee oh!

"Now, we would like to acknowledge the presence of our school founder.. Don Manuel dela Vega !" Huminto siya at ilang saglit ay may dinagdag. " Together with his unica hija, let us also welcome Miss Hera Emerald dela Vega!" Whoaw! That was unexpected!

Pinapapunta kami ni Mrs. Avelino sa stage. At ano naman ang gagawin namin? "We would like to hear from you Don Manuel!"

Nag speech si daddy ng kung ano ano hanggang sa... " We came here to know what should be improved and what are the needs here in your campus. I brought my daughter para naman matulungan niya ako. So that's it...enjoy the day and the activity ..thank you! Oh and congratulations sa student council for making this event possible!" Natapos na din si daddy.

Ako naman ay ngiti ngiti lang kung kanino mapadpad ang paningin ko.

Nasabihan ko na si dad sa mga gusto kong mangyari sa eskwelahang to. Kulang na kulang pa sila sa mga facilities. Pabalik na kami ng Admin bldg para daw sa konting salu-salo nang bigla akong naihi.

"Saan po ba dito ang CR?" Tanong ko. " Ah, samahan na kita hija," ani ni Mrs. Avelino. Ayoko naman na maghintay siya sa akin in case kung matagalan ako kaya, "No, I can take care of myself Mrs. Avelino. Ayoko na pong mang-abala. Just tell me the directions, I think I can handle it naman po." At ayun binigyan niya ako ng mga directions at pumanhik na ako.

Nang nakita ko na ang pintuan ng girls bathroom ay bigla namang bumukas ang pintuan ng boys bathroom at nakita ko na naman ang pinakahuling taong gusto kong makita ngayon. Nagkatinginan kami at kumunot ang kanyang noo.

"Can I just ask you something," and that's a statement not a question at aba englisero din tong isang to ah. Well, nag english din naman siya nung nasa batis kami. Aaahh ano ba, naaalala ko na naman yun! Wait ano ba yung itatanong niya? "What?!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you my stalker or what? You.... everywhere I am, you're there. Well simula nung encounter natin sa batis." He stepped forward in my direction hanggang na touch na ng likod ko ang pinto ng girls bathroom.

We are staring each other like there is no tomorrow. Ang matatalim niyang titig ay nakakapanindig balahibo. Ano ba yan, bakit niya ako kini-corner?

"W-what? Stalker? M-me? I'm not that kind if girl! And ang swerte mo naman para i-stalk ko. Sino ka naman at feel na feel mo ang atensyon ko, ha?" I wore my 'tough girl' face in front of him, I don't like to appear weak in front of him no.

"Ako lang naman ang nag-iisang Klein Elric Buenavista, ang pinakasikat sa La Consolacion dahil sa taglay na kagwapuhan, kakisigan, galing sa pagkanta, sports etc, at ang lalaking nakakita sa ganda ng hubog ng katawan mo at all black na undies mo." Taas noo niyang binanggit ang bawat salita at ang bango ng hininga niya grabeerhpnahdbe#%/#!!

Bumalik ka sa katinuan mo Heray!

Ano ba yung mga pinagsasabi ko? At sandali lang, ano yung sinabi niya? Nanlaki ang mga mata ko ng nag sink in sa akin ang mga sinabi niya!

"Bastos ka, manyak!! Eh malay ko ba kung nandoon ka? Yabang mo!" Binabato ko yung bag ko sa kanya dahil sa inis ko.

Nahawakan niya ang palapulsuhan ko dahilan ng pagtigil ng pag hi-hysterical ko. Inilapit niya muli ang gwapo niyang mukha sa akin at bumulong.

"Swerte ka nga! Nakita mo pa ang katawan kong pinagpapantasyahan ng lahat ng mga babae dito sa La Consolacion. Upclose pa! Muntik na nga lumuwa yung mata mo sa kakatitig dun eh! Hhmmppfftt!" He chuckled sexily ...in front of me! Uugghh! Nakakainis ka na self ha!

And with that he left me.....dumbfounded.

Breaking CagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon