Isa akong transferee mula sa Bulacan , dahil sa tulong ng may kaya sa buhay na kapatid ni lola ay pinaluwas niya ako dito sa Quezon City at pinag-aral nya sa isang pribado ngunit hindi pa gaanong kilalang paaralang pang kolehiyo.
Isa akong grade 11 student, dahil ngayon ang unang araw ng klase ay agad kong hinanap ang room para sa orientation.
Pagdating ko sa isang may kalakihang bulwagan ay nagtatawag na ng mga pangalan ng mga estudyante ang sa tingin ko ay isang guro doon.
"Castillo, Jhess" banggit sa pangalan ko ng guro. Agad ko namang itinaas ang kanang kamay ko upang malaman nya na naroon na ako. Pagkatapos ng roll call ay nagsulat na ito sa white board ng aming mga subjects at schedule.
"Katamad, aga kong gumising kainis!" naiinis na bulong ng katabi ko. Napangiti ako ng lihim dahil totoo naman ang kaniyang sinabi.
"Hoy, hoy, ba't ka tumatawa? Totoo yung sinabi ko no?" tumango naman ako at nginitian siya.
"Jhess nga pala, ikaw?" tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
My Boss is my Ex-Boyfriend
General FictionYes, i love him once. Pero mas pinili nya parin na saktan ako ! At ngayong nagtagpo na naman ang landas namin, Hindi na 'ko magpapaapekto sa kanya ! Pinagsisihan ko na nakilala ko sya.