"Excuse me, excuse me..." sabi ko sa mga taong nasa harap ko. Halos magtulakan ang lahat dahil sa ginagawa ko.
I tiptoed to see him.
Sa gitna ng crowd... nandoon siya!
Unang tingin ko sa gitna ng maraming tao, naging pamilyar siya agad sa mga mata ko. It has always been like that. He is so familiar to me, it's always so easy for me to find him even when blurry.
Jusko mahihimatay ako sa gwapo ng nilalang na 'to.
Today is February 19, confession day. Uwian na ngayon, kakatapos ng foundation day. And after so many many years (2 years lang actually), aamin ako sa one and only ko. I need to confess or I will lose it, I won't give up! He's my dream guy.
Elliot.
I sighed when I was only inches away from him. Hindi na ako nag-dalawang-isip. I grabbed his wrist.
Matapang kang babae ka, Peonny. Gustong-gusto mo siya so go!
I didn't let him speak. The only thing I am focused on is how I won't let him get away with my grip. I don't want to confess in front of many people!
"Wait!" I heard him say. Hindi ko siya pinansin kahit gusto ko nang tignan siya.
I stopped when there was no one around us. Sa likod ng school ko naisipang tumigil.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita...
Ngumiti ako ng napakalaki. Ngumiti din siya ng tipid. I feel so confident right now! No one can stop me from confessing right now.
"Hi Elliot! This is so random... actually today... I decided that I have to tell you something."
Hingang malalim, Peonny. This will either make or break you.
"May gusto sana akong..." biglang natabunan ng kung ano man ang lalamunan ko, dala nito'y pagkatuyo.
Nakakaloka ka, Peonny. Kapag ikaw pumalpak dito ipapakulo kita sa isang kaldero. Hindi ka na pwedeng tumakas o magkamali. This is it!
"What is this?" he said almost so casually.
"I like you, Elliot... matagal na..."
I sincerely meant every word. Napikit pa ako para hindi makaramdam ng hiya.
Kumunot ang noo niya.
Oh you wonder why?
Si Elliot...
I met him during a party of my friend in La Union. It was a summer night.
It was love at first sight. Nung una ko siyang tignan, alam ko nang mababaliw ako sa lalaking ito.
He stood tall in the middle of the party. It was his height that first caught my attention. Dahil matangkad din akong babae, mahirap sakin ang makahanap ng mas matangkad na lalaki. Guess, what? That night changed... hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.
He had this cool aura that I like in a guy.
He drank three shots that night. Nang lumabas siya sa bar ay sinundan ko siya. He looked so tipsy. I was drunk too.
I don't know why but even though it was summer, the night sky just wanted to pour out raindrops. Walang mga bituin, hindi masyadong kita ang mga ulap. Outside the bar, while both of us stand at the same ground and same place, it was dark and I could almost grasp and hear the victory of my heart.
Sa wakas may crush na ako.
Hindi naging sapat ang ilaw galing sa mga poste para makita ko siya ng mas maigi o ang makita niya ako ng klaro.