Medical Series No. 1 : Doctor Zack Forth Santiago
Ps. Feel free to imagine how handsome a Doctor he is.Ps. This is Book 2 of addicted, so kung hindi mo pa nababasa ang Book 1, highly recommended na basahin mo muna para aware ka sa mga kaganapan at daloy ng story.
Book 1 : ADDICTED
A story that never tell.Book 2 : Medical Series No. 1 : Doctor Zack Forth Santiago
ERRORS AHEAD!
SEFFIAN'S POV
Lumipas ang ilang taon at pabalik na'ko ng Pilipinas, hindi naging madali ang pinagdaanan ko sa kamay ng mga Doctor at sa loob ng hospital.
Ilang beses akong sumisigaw dahil sa sakit, umiiyak hanggang sa mapagod at makatulog, mag-isa habang iniinda ang hirap, hindi naman kasi p'wedeng pumasok sa loob ng operating room ang kahit na sino habang sinasagawa ang cemo theraphy o mga operasyon, para sa paggaling ko raw na wala namang kasiguraduhan.
Para akong umaasa sa isang bagay na hindi ko alam kong magbubunga ba o kamatayan lang din ang resulta, may mga araw na gusto ko na lang sumuko pero naaalala kong may naghihintay nga pala sa bawat paglabas ko sa operating room, at higit sa lahat may babalikan nga pala ako sa Pilipinas.
Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang pag-alis ng walang maayos na pamamaalam, hindi ko nga alam kong nabasa niya ba ang sulat na iniwan ko, o kung bumabalik pa rin ba siya sa lugar kung saan ko unang naramdaman na hindi ako nag-iisa, sa lugar kung saan pakiramdam ko ay hindi lahat ng paglisan ay may dulot na kalungkutan, dahil sabay naming pinanood ang paglubog ng araw at wala akong ibang naramdaman sa mga oras na iyon, kundi saya.
Masaya akong nakilala ko ang lalakeng 'yon, ngunit alam kong pinagsisihan niya na makilala ako, pagkat ako ang nagsilbi niyang araw, na marahil ay inisip niyang dumating lamang para lumisan, at hindi katulad ng araw, ay hindi na ako nagbalik.
Nang lumapag ang eroplano ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, may halong tuwa, takot, at hindi ko maiwasang mag-isip, paano kung sa sampong taon na pagkawala ko ay marami ng nagbago, at paano kung maging ang taong ipinunta ko ay sumabay sa pagbabagong iyon?
Ano na kaya ang lagay niya? kilala niya pa kaya ako? nakatitig lamang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na umandar ang kotseng sinasakyan ko.
Wala na ang dati naming bahay, mayroon ng bumili sa lupang kinatatayuan ng bahay na 'yon, ngunit naisip kong doon dumeretso pagkat nais kong alamin kung doon pa rin ba sa lugar na 'yon nakatira si Zack, nang marating ang lugar ay muntik pa kaming maligaw, napakalaki ng pinagbago ng lugar na 'to, napakarami ng bahay hindi na tulad noon na bahay lamang ni Zack ang nakatayo sa lugar na'to.
Hindi ko alam kung sa'ang lupalop ko siya hahanapin ngayon, wala na ang dating bahay nila at nakatitig ako ngayon sa isang kotse sa tapat ng dating kinatatayuan ng bahay nina Zack, mayroon ng ibang nakatira roon.