CHAPTER 5

6 0 0
                                    

Medical Series No. 1 : Doctor Zack Forth Santiago

By: BloodInkStain

Ilang araw na ang lumipas pero dinadalaw pa rin ako ng mga biglaang pagkahilo, nasa labas kami ngayon at naisipan kong magpahangin, hindi ko pa rin kayang maglakad at lalong hindi pa raw ako puwedeng umalis mag-isa kaya't kasama ko si Missy na kasalukuyang nagtutulak ng wheel chir na kinauupuan ko.

Lumilipad ang isip ko habang iniisip ang mga katagang sinabi ni Zack ng nakaraan, malinaw ko yung narinig ngunit nang ipaulit ko yon sa kanya ay sinabi niya lang na magpahinga na raw ako ng maaga at huwag ng magbasa ng libro, pagkatapos ay nagpaalam na rin siyang uuwi dahil maaga pa raw ang pasok niya kinabukasan.

Halos hindi ako pinatulog ng mga katagang 'yon dahil sa paulit-ilit ko itong naaalala, at ito ako ngayon, lumalanghap ng sariwang hangin habang patuloy pa rin sa pag-iisip.

"I think he's the man I was looking for," saad ko at nilingon si Missy, huminto naman kami sa tabi ng kalsada kung saan tanaw ang payapang ilog. 

It seems like Missy didn't easily get what I said, kumunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na nagtatanong. "I mean Zack, I think he's the person I was looking for, the reason why I came back." Missy suddenly cover her mouth using her hand, acting like very shocked. 

"I knew it, I knew it was him. I told you about that right? Agad akong napabuntong hininga dahil sa sagot niya. 

" I  am not sure yet, I am just thinking about it and, maybe I'm just mistaken." Parang akong tanga na pagkatapos bigyan ng pag-asa ang sarili ay agad rin namang binabawi, it's possible that I'm just imagining things and I just see their similarities, o baka naman ay may naipaparamdam lang siya sa'kin na naramdaman ko na rin noon, kaya ko nasasabing siya si Zack.

Nagkibit balikat na lamang siya at nagpaalam na bibili muna ng maiinom, naiwan akong nakaupo, pinanood ko  ang payapang paglubog ng araw at mapait na napangiti nang mayroon akong maalala.

Ganito rin kami noon, sabay naming pinapanood nag paglubog ng araw na para bang hindi iyon nangangahulugan ng paalam, kundi isang perpektong pagkakataon para masilayan ang pagsisimula ng gabi, kung paanong paisa-isang sisilip ang mga bituin, at kung paano sila kikindat kapag nakita ako.

Napakaraming takip silim ang napalampas kong panoorin, ngunit ganoon pa rin ang pakiramdam, hindi pa rin nagbabago ang sayang idinudulot nito, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ganoon kasaya, palaging may kulang, at hanggang ngayon hindi ko pa rin 'yon matagpuan.

A few days passed and the wound on my head completely healed. Doc Xyron came here yesterday to completely remove the bandage from my head, nagtataka lang ako, noong una sabi ni Zack responsibilidad niya raw na alagaan ako kaya siya ang gagawa ng lahat at siya ang mag-aalaga sa'kin, pero inutusan niya si Doc Xyron na puntahan ako para tuluyang alisin ang benda sa ulo ko, nakakatawa lang, naging doctor siya bigla sa ulo, akala ko sa ngipin lang.

“Hey Sef, where are you going?” Rinig kong sigaw ni Missy mula sa taas ng hagdanan, kinuha ko naman ang susi ng sarili kong kotse bago siya balingan ng tingin.

“Outside, I want to go somewhere, I'll be back later.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kumaway na lamang ako patalikod habang naglalakad palabas ng bahay.

Nang tuluyang makaalis ay nagmaneho ako patungo sa lugar na ilang taon kong hindi napuntahan, kung saan nagsimula ang unang pinakamagandang paglubog ng araw na napanood ko, sa lugar kung saan ko mas nakilala ang taong palagi kong napupuntahan pero hindi ko na mayakap.

Muntik pa akong maligaw patungo sa gusto kong puntahan, sa tagal kong nawala, ibang iba na ang lugar, wala akong ideya kung nandon pa rin ang paborito naming pahingahan at hingahan sa mga pagkakataon na kailangan namin ng kakampi at tanging ang takip silim lamang ang naroon.

Medical Series 1: Doctor Zack Forth Where stories live. Discover now