Chapter 2

6 1 0
                                    


Chapter 2

Naka park ang sasakyan sa harap ng isang cafe habang ginagamot ng manager ni kai ang mga sugat ko. Kanina pa nila ako pinipilit na dadalhin ako sa hospital pero tumanggi ako. Nakakahiya jusko! Kasalanan ko naman kong bakit ako nahagip e.

"Saan ka namin ihahatid?" Biglang tanong ni kai sakin kaya napatingin ako sa kanya at sunod sunod na umiling.

"Ayaw mong magpadala sa hospital tapos ayaw mo din na ihatid ka namin? Ngayon ko lang naranasang tanggihan!" Dagdag pa niya habang nakatitig sakin.

"Ako ang mag hahatid sayo o ihahatid ka namin, choose wisely. " Sabi niya at and he crossed his legs.

Mahina naman siyang hinampas ng manager niya sa tuhod..

"Wag mo siyang takutin" sabi ng manager niya kaya umirap si kai.

"I'm not, fine ikaw na lang ang kumausap sa kanya". Pagmamaldita nito.

"Don't mind him, saan kaba namin pwedeng ihatid?"

"Wag na po ma'am! Maraming salamat po sa Pag gamot sa sugat ko kahit kasalanan ko naman yong nangyari. Pasinsya na po sa abala. Dito na lang po ako mag tataxi naman po ako pauwi e. Salamat po ulit "

"Are you sure?"

"Opo, p-para makapag pahinga na rin po siya. Salamat po talaga at pasinsya na po sa abala".

"Okay sige " may inabot siya sakin na calling card " call me kapag nakauwi kana sa inyo ha?"

"S-sige po, maraming salamat po "

"Go home and take a bath para hindi ka magkasakit " biglang sabat ni kai habang nakapikit.

"O-oo, opo pala." Sabi ko at bumaba na ng sasakyan.

"Don't forget to call me okay? What's your name again?"

"Sam, Samantha Mendoza po ma'am "

"Alright sam, call me okay?"

"Opo, salamat po ulit "

Kumaway pa ang manager ni kai bago sumara ang pinto ng van at tuluyan na itong umalis. saglit pa akong tumanga doon bago ako pumara ng taxi.

At habang nasa taxi ako ay halos ayaw tanggapin ng utak ko yong nangyari kanina.

Talaga bang nakapasok ako sa van ni kai? Talaga bang nakaharap ko siya ng matagal?

Hanggang sa makarating ako sa bahay at makaligo na ako ay para pa rin akong wala sa sarili ko.

Tumawag ako sa number na nasa calling card, ilang ring bago may sumagot at nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ng manager ni kai.

[Hello?]

"Hello po, si Sam po ito ma'am. Ahm ano nakauwi na po ako "

[Oh, hi Sam. Buti naman at nakauwi kana. How's your wound?]

"Okay naman po, nagamot ko pa siya ulit "

[ Alright, take a rest okay?]

"O-opo, salamat po. Bye po ma'am salamat po ulit "

[Good night sam] nawala na ito sa linya.

Totoo nga! Omg!!

Nagpagulong gulong ako sa kama habang nakahawak sa cellphone ko, sandaling nakalimutan ko ang sakit na nangyari sakin kanina.

Yong kirot kanina ay nabawasan, napalitan iyon ng kunting saya dahil sa nangyari ngayon lang.

________

Born To Love You Where stories live. Discover now