chapter 1

33 4 0
                                    

Araw ng biyernes, alas syete palang ng gabi ay nagsisimula ng matulog lahat kabaryo namin at ganon din sa aming tahanan.

"ina...ama mauna na po akong matulog" kanina pa kasi kami natapos ng aming hapunan at nanunuod nalang kami ng telebisyon kaya napagpasyahan kung matulog na lamang.

"oh sige anak, manalangin ka muna bago matulog ha" paalala ng akin ina. Palagi kasi ako nakakaranas ng masamang panaginip.

"opo ina,akyat na po ako"hinalikan ko sila pareho sa mukha at pumasok na sa aking silid.

Panginoon salamat sa lahat ng biyayang aming natanggap. Salamat sa paggabay sa amin sa lahat ng bagay na aming ginagawa para mapalayo sa kapahamakan. Sana po hindi na ako managinip ng masama. AMEN

Ilang saglit lang pagkatapos kong mahiga ay nakatulog agad ako.

~~~~

"nasan ako? Ina,ama nasan kayo?" napadpad ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko naman alam paano ako napunta dito.

"ina, ama...nasan kayo? Ina.."napatigil ako sa paghahanap ng aking magulang ng my na mataan akong bulto ng tao sa di kalayuan. Agad ko naman itong nilapitan para mapagtanongan kung nasang lugar ako naroroon.

"Ginoo, maari bang magtanong?" agad naman itong pumihit paharap sa akin. Bigla nalang akong napatulala sa kanya. Kay amo ng kanyang mukha, matangos ang ilong, bilogan ang hugis ng mukha, medyo makapal ang kilay, my mahahabang pilik mata, my mapupungay na mata at pulang mga labi.

"Anu ang maipaglilingkod ko sa iyo magandang binibini?" di naman ako kaagad nakasagot sa kanya tanong dahil sa malamyos niyang boses na kaysarap pakinggan. "mukhang nawiwili ka sa kakatitig sa akin binibini, baka ako'y matunaw at hindi na kita matulongan sa iyong nais" nakangiting turan nito.

"ipagpatawad mo ginoo, maaari ko bang malaman kong saan ako naroon ngayon?" tanong ng dalaga. "nasa hardin ka ng aming kaharian magandang binibini" pahayag ng lalaki.

Inilibot naman ng dalaga ang ganyang paningin, at don nalang niya napag tanto na nasa isang napakalawak at napakagandang hardin pala siya.
Ang ipinagtataka niya ay hindi ito ordirnaryong hardin, maraming napakandang bulaklak na hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya, gayun din ang mga ginintoang kahoy, talong na ang tubig ay kulay berde.

"salamat ginoo,pero paano ako napadpad sa lugar na ito? Masyado bang malayo ito sa kabihasmnan upang walang ibang taong dumadayo rito?"

"Eira anak, halina na't tumayo kana sa iyong higaan. Tirik na tirik na ang araw nakahilata ka parin" panaginip lang pala. Ganyan palagi sa umaga. Ginigising ako ng aking ina, dahil sadyang mahirap sa akin ang gumising sa umaga. "opo ina, salamat sa pagising sa akin" ngumiti muna ito sa akin bago magsalita. "hindi mo na kailangan na ako ay pasalamatan. Ginagawa ko ito dahil mahal ka namin ng iyong ama. Hangad namin na ikaw ay mapaligaya. At napaka swerte nga namin dahil sadyang pinagpala kami na magkaroo na mabuting anak" niyakap ko nalang ang aking ina bilang tugon at ginantihan din niya ang aking yakap.

"aba'y kay agang dramahan naman yan"nakangiting wika ng aking amang kakapasok lang sa aking silid. "alam kong gusto mo lang makisali sa amin Oirom" nakangiting wika rin ng aking ina. "kung maaari lamang" sagot naman ng aking ama.

"kayo po talaga ama. Oo naman po" dali-dali namang lumapit sa amin ang aking ama para makisali sa amin ng aking ina sa pagyakap.

Kaya mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Ni minsan hindi ko naramdaman na ako ay kanilang pinabayaan bilang anak. Kaya handa rin akong suklian ang kanilang pagmamahal.

"oh siya,nagkaroon na ako ng lakas dahil sa yakap ninyong dalawa. Kaya ako'y aalis na patungong bukid para manguha ng kahoy na ating gagamitin pang gatong"Pahayag ng aking ama matapos kumalas sa yakap naming tatlo.

"sige po ama, mag-ingat po kayo. Susunod lang po ako pagkatapos kong mag-almusal"sagot ko naman. "sabay nalang tayo Oirom, natapos ko narin naman lahat ng gagawin ko dito sa bahay" singit naman ng aking ina. At kumalas rin sa pagkakayakap sa akin para sumunod sa aking ama.

"teka nga pala anak, wala kabang pasok sa iyong paaralan?" nagtatakang binalingan ako ng tingin ng aking ama. Na ngayo'y nasa pintuan na. "makakalimutin na po talaga kayo ama. Araw ng mga patay po ngayon kaya wala po kaming pasok" paliwanag ko. Tumawa naman ang aking ama, marahil alam niyan nagkamali nga siya.

Almost A Nightmare (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon