Where like dominos I fall for you and you fall for another!
Hi I'm Blue Jane Santiez, 17 years old at isang 4th year student sa isang sikat na school dito sa lugar namin. Kung aalamin mo pa na maganda ako sige lang, Titigan mo pa ako! Sagarin mo yung pagtitig mo para hindi nasayang ang effort mo. Haha
"BREAK NA TAYO!"
I heard him say. Loko to aa! Kala niya gwapo siya? Makikipagbreak sa tulad kung maganda, sexy at maputi at idagdag mo na jan na isa ako sa Candidate sa Valedictorian. So I just laugh and walk away!
TEKA TEKA! Joke lang po yan, Imagination lang yan.
Reality!
"BREAK NA TAYO!"
My World stop, my heart stop beating and my eyes blured because of tears, naiiyak na ako mali umiyak na ako ang sakit ng ganito! masakit yung ipahiya. Loko to aa! Pwede naman niya akong hiwalayan na kami lang, kelangan pa talaga ng audience? At dito pa talaga niya ako hiniwalayan, sa Hallway kung saan maraming estudyante.
apat na buwan pero masakit rin pala, Gaga naman ako apat na buwan lang yan iniiyakan mo pa? Kala mo naman nagyears kayo. Wag kang magdrama jan hindi ka maganda at mas lalong kang pimapanget, panget kana nga pinapapanget mo pa sarili mo.
Sino ba naman ako para umangal, hindi kami bagay! madalas nilang sabihin yan, para daw kaming 'Beauty and the beast siya yung beautiful and hot prince ako ayung beast. Ang gwapong tulad niya hindi nababagay sa tulad kung maitim, panget at mataba. My magulong mahabang buhok, braces, pimples at malaking eyeglasses.
Hindi na ako nagulat sa reaction ng mga estudyanteng nakarinig, para ba silang nanunuod ng isang comedy show. Ginagawa nilang katatawanan ang buhay ko, Hay ganyan talaga ang buhay ng mga katulad ko sikat lang dahil nagiging Clown sa mata ng mga estudyante.
Bago pa man ako pagsasabunutan ng mga Fans ng ex tumakbo na ako, hindi ko alam kung saan ako papatungo. Hinayaan ko ang mga paa ko kung saan man niya ako dadalhin, blured na ang paningin ko kaya kung sino sino na lang ang nabubunggo ko.
"Hey watch out!"
"Anu ba?"
"Tss bulag!"
"Hoy tumingin ka sa dinadaanan mo!"
Ilan lang naman yan sa mga narinig kong reaksyon nila! Sila kaya sa sitwasyon ko nakakabanas sila aa. Bakit ba kasi ako napadpad sa school na'to?!
Takbo ako ng takbo! Pinahid ko ang mga luha sa mata ko, hindi ko tuloy na kita na may kasalubong ako.
"Sorry!"
Hindi ko na nakita ang muka niya dahil tumakbo na ako paalis nagsorry naman ako eh. Kaya wag na siyang magreklamo jan makisama na lang siya sa kadramahan ko, malas na lang siya nakakita siya ng umiiyak na panget.
Napunta ako sa rooftop! Umupo ako sa kanto at nagsimulang umiyak nararamdaman ko ang init ng panahon at ang mainit na hangin. Anu ba yan pinagpapawisan na ako! Naghalo-halo na tuloy ang pawis at luha sa muka ko wala pa naman akong panyo. Ang malas ko talaga kahit kaylan, hay! Nakakailang buntong hininga na ba ako?!
matutulog na lang ako dito at hindi napapasok sa afternoon class ko dito na rin ako maglulunch tutal may baon naman akong dala. Niyakap ko ang bagpack ko at isunobsub ang muka kong panget.
