Chapter 1

9 3 3
                                    


AS i grow older, i realized there are so many reason to live and thankful for having a simple life. Isang beses lamang tayo binigyan ni Lord ng buhay. Kaya dapat lamang na pahalagahan natin ito at ienjoy dahil hindi naman tayong immortal. Katulad na lamang ng nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Pumapasok ako sa paaralan. Buo ang pamilya. May gamit akong nadalala para makapag aral. May pinaglumaan ang aking kapatid na cellphone, kaya may nagagamit ako. May naiinom akong tubig sa pang araw araw. May bahay kaming 'hindi kalakihan pero sapat na para may matulugan kami na komportable. May mga damit akong hindi man bago, ngunit sapat na para may magamit ako sa araw araw. May mga kapatid akong makukulit at malusog. May jacket na nagagamit sa tuwing nakakaramdam ng lamig. At higit sa lahat may mababait akong magulang.

Pinagmamalaki ko ito kahit na alam kong hindi kami mayaman. Hindi man perperkto ang buhay ko pero masaya naman ako.

Pangatlo ako sa limang magkakapatid. Panganay si Kuya Hero sa aming magkakapatid. Pangalawa si Ate Vanessa. At sumunod naman ako, pang apat
naman ay si Matteo, at ang bunso namin na napakakulit, si Wilson. Simple lang ang buhay na meron ako.

Sa labing siyam na nabubuhay ako sa mundo. Nagsimula na paglaruan at mas subukin ako ng tadhana.

Sumilip ako sa bintana para tingnan ang kapatid ko na nakikipaglaro sa kapitbahay. Bumungisngis ito ng matanawan ako, ngumiti ako ng matipid at kumaway. Tumakbo ito dahil hinahabol ito ng kapitbahay naming bata na si Vior. Magkasing edad lamang sila na limang taong gulang.

"Sunny, halika na nga dito, kanina pa kita tinatawag, magsaing ka na dito" malakas na tawag ni Inay.

"Opo 'Nay nand'yan na" tinig ko. Nakalimutan ko tinatawag na pala ako ni Inay. Sinilip ko ang orasan at nakitang mag aalas-onse  na.

Shit. Binilisan ko na ang kilos bago pa magbuga ng apoy ang aking Ina.

Kinuha ko na ang kaldero at nilagyan ng bigas. Dalawang beses ko itong hinugasan at pagkatapos ay nilagyan ng sapat na tubig. Madalang lamang kami gumamit ng gasul kaya sa kahoy na lamang ulit ako magluluto.

Matapos magluto ay si Inay na ang bahala sa pang ulam namin. Lumabas muna ako para magpahangin.

"Wil, halika nga dito! Ang dungis mo na naman" nilakasan ko ang boses ko upang mas marinig niya.

"Opo Ate Unny" tumatakbong sabi pa nya. Napailing na lamang ako ng makitang tumatakbo pa din s'ya. Naku mga bata nga naman!

"Hala hindi ba't sinabi ko na wag kang tatakbo ng tatakbo, tingnan mo nga at amoy pawis ka na! At isa pa baka madapa ka! Magkakasugat ka nyan! Lalabas ang tren d'yan" pananakot ko pa dito.

Naalala ko pa nga noon ginawa din yang panakot sa akin ni Inay o kaya ni Kuya, 'yun naman pala e hindi totoo. Natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ko 'yong mga naging karanasan ko noong bata pa lamang ako.

"Gusto mo ba 'yun ha?" ulit ko pang sabi dito.

Mabilis naman siyang umiling at marahil ay natakot.
"Ayaw ko po Ate" nakangusong sagot pa n'ya. Hay ang cute talaga ng kapatid ko! Haha kahit nakakainis na minsan ang kakulitan.

"Hmm gano'n naman pala e. Oh ano tatakbo ka pa? " kinuha ko ang towel na nasa bulsa ko at pinunasan ang pawis nito.
"Tingnan mo nga at pawisan ka na, yuck kadiri!
Mas lumapit ako sa kanya at itinaas ang kili kili niya na kunwari ay sininghot ko. Haha

"Yuck ang baho oh! Amoy pawis eww!" pag arte ko pa. "Baka mamaya may putok ka na" dugtong ko pa para mas kapani-paniwala ang pag arte ko. Naku! Hindi ako magaling umakting! Noong nag live action nga kami! Hindi ako satisfied sa acting ko e haha. Pero kapag bata ang usapan, bumebenta haha.

"Ewww putok!" paggaya pa nya sa akin. Pinisil niya ang ilong para ipakita na ayaw nya makaamoy ng putok. Haha di ko na napigilan at napahagalpak ako sa pag tawa. Ang cute talaga! Nakakagigil! Pinisil ko ang pisngi niya dahil sa panggigigil.

"Aray ate" napangiwi siya sa pagpisil ko. Natawa na lamang muli at ako inaya na siyang pumasok sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon