One Shot

8 0 0
                                    

Malamig. Maaliwalas.... ngunit mag-isa.

Tinapat ko sa aking bibig ang aking kamay upang hipan ito. Hindi kayang labanan ng aking suot pang-kamay ang lamig ng klima.

Tumayo na ako upang maglakad sapagkat- "I'm sorry!" Napaupo ulit ako pero hindi na ako nagsalita dahil wala ako sa huwisyo makipag-argumento. "Are you alright? I am really sorry" Wala na ako nagawa kung hindi ang sagutin siya "Its okay".

Aalis na sana ako ng daglian kong naamoy ang humahalimuyak na pabango niya.

"Ouch! What was that for?!" At nagawa pa nga akong biruin ng lalaking ito!

"Ah ganun ha?!"

"Hindi na! Hindi na!" Malas niya ngunit ipinagpatuloy ko pa din. "HAHAHAHAHAHA ayaw ko na wuy WAHAHAHAHAHA!!!"

Itinigil ko na ang pagkiliti sa kanya"I'm sorry, I'm sorry. Hindi mo ba alam na naninigas na ang kalamnan ko dulot ng lamig?" Inirapan ko siya.

"Ipagpaumanhin mo sana ang ginawa ko. Alam mo naman ako hindi ba?" At yun na naman ang tawa niyang magpapabilis sa tibok ng puso ko at sa kahit sinong babae. Pasalamat siya at walang ibang tao. Siya nga pala si Thunder.

Filipina ang kaniyang ina at Amerikano naman ang kaniyang ama. Kung kaya't ganoon ang kanyang pangalan.

"Halika na nga. Kanina ka pa din diyan naka-upo kaya naman pupunta tayo sa Tokyo, Midtown." Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko sa halip na humakbang.

Pinulupot niya ang kaniyang mga bisig upang ako ay yakapin."Patawarin mo na ako, hmmm? Tampo na naman ang aking Summer." Napangiti ako dahil memorya na niya ako.

"Malayo ba yun dito?"

"Hindi siya gaya ng iyong nasa isip, pero upang mabanat din ang iyong katawan. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan sa tayo mo" Aba! At kanina pa pala ako nito kita hindi man lang ako nakuhang lapitan!

"At hinayaan mo lang akong mag-isa?" Malungkot kong wika. "Pupuntahan na sana kita ngunit hindi ko inistorbo dahil kumikinang ang iyong mga mata sa ganda ng tanawin"

"Sino ba naman ako para sirain ang oportunidad mo, hindi ba?"

Tumungo ako ng bahagya upang itago ang aking mukha dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang kupas sa pagpapa-init ng aking mga pisngi. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganoon na linyahan.

Makaraan ang ilang minutong paglalakad at masilayan ang magagandang tanawin, bumungad sa amin ang naglalakihang mga gusali. Dahil sa linis ng lugar, dumagdag ito sa kagandang ng lugar. Kung maari lang halikan ang dinaraanan ay ginawa ko na.

"Gutom ka na ba? Maaari tayong kumain dito"

"Talaga?!"

"Oo naman! Hahaha. Tara hanapin natin ang nirekomenda sa akin ng kaibigan ko." Hinawakan niya ang kamay ko, hudyat ng paghahanap. Hindi ko maiwasang mapatalon sa sabik!

Dala na rin siguro ng ilang minutong paglalakbay, madali namin naubos ang pagkain.

"Kahanga-hanga naman talaga ang pagkain dito. Hindi ganoon kamahal."

"Sapagkat ikaw ang kamahal-mahal"

"May sinasabi ka ba?"

"Ah wala! Ang sabi ko tara na upang maglibot. Hahanap pa tayo ng maaaring panregalo" Oo nga pala! Nawala na sa isip ko yun. Masyado akong naaaliw sa ganda ng Japan. Mabuti na lang at si Thunder ang kasama ko.

Naglakad-lakad kami at tumitingin na rin ng mga damit o kung ano man ang maaring iregalo at nalalapit na rin ang pasko. Mas mabuti ng makabili agad at mahirap makipag-sabayan sa maraming tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Where stories live. Discover now