CHAPTER 5

4 0 0
                                    

LOVE AND DIVINITY
by
RED SOLACE


Authors Note: This chapter may contain disturbing scenes that is not suitable for readers with mental health issues and suicidal tendencies. Read at your own risk.


Past four in the afternoon.

At nauubos na ang pasensiya ni Erika. Anim na oras nang hinahanap si Mico ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nakikita. Hindi rin makontak dahil naiwan nito ang cellphone sa kuwarto nang umalis.

Ang mga pulis na inaasahan nilang makakatulong sa kanila ay hindi pa puwedeng kumilos hangga't wala pang bente kuwatro oras na lumilipas mula nang mawala si Mico.

That leaves Erika no choice but to come find Andy.

Hangga't maaari ay ayaw niyang makita ang lalaki at makausap. Ngunit dahil  ito ang nag-umpisa ng gulong ito, dapat lang na ito rin ang gumagawa ng hakbang para mahanap ang dalaga. Ito dapat ang nangungunang concern kay Mico. But no. Instead, narito at nagkukulong sa apartment.

By any means, kailangang magtuos sila ng lalaki. Humigit siya ng malalim na buntong hininga saka bumaba sa sasakyan. 

She went straight to the elevator pagkatapos ng security check. 
Huminto sa eighth floor.

Hindi niya tinigilan ang doorbell pagkatapat na pagkatapat sa unit ni Andy.

Pero walang tumutugon.

Namanhid siguro sa kasalanang ginawa o namatay na?

Natigilan siya sa naisip.

May posibilidad kayang...

"Andy! Buksan mo 'tong pinto. Mag-usap tayo." Kinalampag na niya ang pinto. Nang walang makuhang tugon ay idiniin niya ang tainga sa pinto. Walang maaninag na kumosyon sa loob. Sobrang tahimik.

Then she heard a sudden sharp blow, like a heavy metal hitting the floor.

"Andy?" Tawag ni Erika, kinukutuban na ng hindi maganda. She tried the knob. It's locked. Kinapa niya ang bugkos ng susi sa bulsa. "I'm coming inside." Anunsyo niya.

May susi si Mico sa apartment ni Andy. At dala-dala niya iyon...just in case. Tinanggal lang niya ang laminated tag ng hotel-apartment at isinama ang susi sa sariling key ring.

Bahala na. Binuksan niya ang pinto. Para lang salubungin ng kagimbal-gimbal at kalunus-lunos na tagpo sa loob ng apartment.

Along the hallway is Andy's body suspended by a rope coiled around his neck. A tall bar chair is knocked down below him.

"HOW IS HE?" Naiiyak na si Mrs. Crisanto ang sumalubong kay Erika paglabas niya ng Emergency Room.

Ibinilin niya sa sekyu na tawagan ang ginang kanina habang isinasakay sa ambulansiya si Andy. Iniwan na rin niya ang contact number para kasamang i-relay sa mga magulang ni Andy.

"Still drunk but he will live." Sinalubong niya ng yakap ang butihing ginang. "Other than the bruises around his neck, which eventually fades in few days, there is nothing to worry. I-a-admit lang due to alcohol poisoning."

Napaiyak si Mrs. Crisanto. "Salamat, hija. If you hadn't got there sooner, ewan ko na."

"Yes Tita. No worries. I will be on my way to Mico's. Ikaw na po muna bahala dito." She gestured the lady to the entrance of the Emergency Room.

Pinisil nito ang palad niya bago siya iniwan. Nasa mga mata nito ang labis-labis na pasasalamat.

Nang makapasok sa sasakyan at mapag-isa ay saka pa lang pinakawalan ni Erika ang mabigat na hangin sa dibdib.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and DivinityWhere stories live. Discover now