LUNOD

5 2 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo!" Napatakip ako ng tenga ng bumungad ang bunganga ni Mommy pagkagising ko.

"What do you want, Mom?" Nakita kong napaupo ito kaya naman agad agad akong lumapit ako sa kanya.

"Hiniwa mo na naman ang pulso mo, Adriel." Humagulgol siya. Nakita ko naman ang patuloy na pag-agos ng dugo sa pulso ko kaya kinuha ko ang towel na nakalagay sa side table ko.

"Mom, I'm okay."Ngumiti ako. Mas lalo pa siyang humagulgol kaya naman niyakap ko siya para tumahan na siya

Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak niya kaya naman hinalikan ko siya sa noo at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm sorry Mom, I love you."Pinalabas ko na siya at inayos ko ang sarili ko.

Nagising pa rin ako. Inaasahan ko pa namang hindi na ako mabubuhay sa impyernong 'to.

Lalakad na sana ako pabalik sa kama ko ng biglang umikot ang paningin ko. Para akong nasa Rollercoaster na unti na lang ay malalaglag na.

Agad akong tumakbo sa banyo at doon sumuka ng sumuka. Hilong hilo ako, sobrang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko'y may sumasakal sa akin.

"Good Morning, Pwede ba akong Magpaschedule, today for Ms. Ledesma." Narinig ko ang oras ng appointment ko kaya naman dali-dali kong kinuha ang jacket ko pati na rin ang mask ko.

"Kuya, Sa Manabat Hospital po." Tumango ito at mabilis pinatakbo ang sasakyan.

Pagdating ko doon ay sinundo na agad ako ng nurse at pinapasok sa office ni Doc.

"Hi Adriel, How are you?." I just Smile. Alam niya na ang sagot kaya naman pinaupo niya ako at kinuha ang pinagsusulatan niya.

"Hindi na umeepekto yung gamot Doc, Hirap na hirap na ako." Napaiyak ako.

I've been diagnosed with Major Depressive Disorder (MDD) , Limang taon ko ng nilalabanan pero hanggang ngayon nagsusuffer pa rin ako.

"I tried so many things, Sinubukan kong Idistract yung sarili ko, lahat ng payo mo ginawa ko. Sinubukan ko naman. Pero Doc, Lunod na lunod na ako." Agad namang may inenject sa'kin kaya kumalma ako.

'Sa palagay ko ay mamamatay ako ng maaga

"Hindi lahat ng bagay ay Macocontrol natin, hindi sa lahat ng oras ay matatakasan mo ang problema. Matuto kang humingi ng tulong sa iba. Ang ginagawa mo kasi ay sinasarili mo ang problema kaya ka nalulunod. Harapin mo ang mga bagay na kinakatakutan mo. Huwag mong iwasan ang mga bagay na nahihirapan ka. Kailangan mong lumaban dahil alam mong ang Mama mo ang pinakamasasaktan pag nawala ka." Saad niya. Napatulala ako sa kisame at inisip ang kung bakit pa ako nabuhay sa masakit na mundong ito.

'Baka masyado ko ng nilulunod yung sarili ko kaya nahihirapan na akong umahon.

"Marahil ay nahihirapan ka pa ngayon, Ngunit ikaw lang ang makakatulong sa Sarili mo. Ako lang ang magiging ilaw sa daraanan mo pero ikaw ang gagawa ng lahat. Pakawalan mo na ang Sarili mo. Hindi ka na namin pinilit ipasok sa Mental hospital dahil ilang beses mo na kaming tinatakasan. Kaya sana, lakasan mo ang loob mo. Adriel, Lumaban ka."

"Huwag mo nang ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil ikaw rin ang nahihirapan." Unti unti kong ipinikit ang mata ko at mabilis na nagsilabasan ang lahat ng luha ko.

'Bakit ba nabuhay pa ako? Bakit ba hindi na lang ako namatay nung pinanaganak ako.

Hindi ko naman 'to ginusto. Gusto ko lang naman maging masaya. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko pero parang simpleng pagtayo lang ay pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa lahat, Pagod na ako sa mga bagay nagpapahirap sa'kin. Gusto ko na lang mawala. Sinusubukan ko naman maging okay pero kasi ang hirap. Sinusubukan kong tulungan yung sarili ko pero sa huli ano? Bumabalik pa rin ako ng bumabalik sa madilim na lugar na 'to. Ayoko mang saktan yung sarili ko pero eto na lang yung nagpapakalma sa'kin hindi na gumagana ang gamot. Kahit nga itong Therapy wala ng Epekto hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung kaya ko lang takasan ang mga problema ko ay gagawin ko.

LUNODWhere stories live. Discover now