Pitaka (one-shot)

119 2 4
                                    

  (Aaron's POV)               

  Ano ba yan! Naiinis na ako. ang tagal naman ibigay ung sched. ko! Tingin pa ng tingin ung mga babae dito saakin. alam ko naman na gwapo ako! Kasi ako lang naman si John Aaron Datumal...

" ui. tol! " yan si keith bespren ko

" ui.. Bakit? "

"tara basketball daw tau tol!"

"Sige sige.. hintayin ko lang ung sched ko!" hinintay ko ng mga 5 mins. then un na binigay na..

"tara tol!" naglakad na kami palabas. habang naglalakad kami may nabangga akong babaeng nakaputi.

" sori miss!" tinulungan ko siyang tumayo kasi natumba siya

" o--okay lang" naglakad na pero napansin ko ung kulay white na pitaka. pinulot ko ito at hinabol ung babaeng nakaputi..

" Miss, ung pitaka mo o! nahulog ata" napaharap naman saakin ung babae. maganda siya kahit mugto ung mata nya at mukha siyang disente sa suot nyang white dress.

"salamat!" tsaka siya ngumiti at tumakbo palayo.

***************

Hay.. tapos na ang summer. Pasukan na ulit. Pero di na gaya nung dati na 7:30 ang pasok, ngaun 10 na! yan tuloy nakakatamad na!!!! DE JOKE LANG! ang saya nga eh.. makakapagdota pa ako! College na pala ako at BS tourism ang kinukuha ko....

papunta na ko sa school. syempre cool ung ayos ko, mahirap na eh marami pa namang chicks na pakalat kalat dyan. nasa may gate na ako nung nakita kong nahulog ung pitaka nung babae sa harap ko.. syempre pinulot ko ito at hinabol ung babaeng nakapink.. pink din ung pitaka nya..

" Ah, miss nahulog mo yung pitaka mo" napatingin sa akin ung babae... teka parang familiar ung mukha nya!

" salamat " at ngumiti siya.. pamilyar rin ang ngiting yon!

" miss, nagkita na ba tau?" di ko mapigilang tanungin

" ha? " mukhang d nya ata matandaan

"ahh.. wala, ano palang pangalan m?"

"ahh.. R--"

" Rain! halika na, nandun na ung prof." at hinila siya nung babae... Rain! nice name =)

*********************

Rain! Ang ganda ng pangalan niya... sumunod ang mga araw na normal naman.. madami na nga akong nakilalang chicks eh.. pero isang babae lang ang nasa isip ko. si Rain

 "Tol, tara cafeteria tayo!"aya ng barkada ko. Papunta kaming cafeteria nang marinig ko ang pangalan ni Rain. Napatingin ako sa paligid ko pero wala akong Rain na nakita. Pagdating namin sa cafeteria, iniisip ko si Rain. Pinagdadasal ko na sana makasalubong ko siya kahit minsan. Bumili ako ng makakain, pabalik na ako nang may naapakan ako, pagkatingin ko pitaka ang nakita ko. At sa pagpulot ko, may pumulot rin. Pagkatingin ko si Rain ang nakita ko. Ngumiti siya na gaya nung dati. Sya na ang kumuha nung pitaka at tumayo na kami.

"Hi!" ako

"Hello, dba nagkita na tayo dati? Rain nga pala!"

"Aaron!" ako. Simula nung araw na yun, lagi na kaming nagkikita. Mayaman itong si Rain. Both parents nya eh Surgeons... Lagi na rin kaming nagkakausap at sa palagi na yun, unti-unti na akong nahuhulog sakanya.

*********************

Sunday ngayon at wala kaming pasok. Naglibot lang ako sa may park kasi walang magawa sa bahay..  Pauwi na ako at tumawid sa may kalsada...

Pagkauwi ko......

" Sir, may kumukuha po ng call card nyo!" si yaya

"Ah o sige, teka......" kinapa ko yun bulsa ko..wala... kinapa ko na lahat pero di ko pa rin mahanap ung pitaka ko....

"Narito na po ang mga nagbabagang balita... Isang babae ang nabunggo umano ng isang truck sa may feseral road... Ayon sa mga nakakita.. tumawid raw ang babae at hindi namalayang may paparating na truck...ang sabi pa nila ay may pinulot itong pitaka bago mabunggo.. Saad naman ng driver ng truck hindi daw nya namalayang tumawid ang babae... Dead on arrival daw ang naturang babae..."

" Naku dba malapit lang dito ung feseral road, kawawa naman ung babae!" bigla akong kinabahan nun..... Hanggang sa nakatulog ako

*******************

Kinabukasan (sa school)..........

Nagkakagulo ang mga taga BA 4-C.... Isa sa mga rooms dito sa building namin.....

"Aaron?" pagkatingin ko... ito ung babaeng kasakasama ni Rain.

"O. Ikaw pala? Bakit?" napaluha naman ung babae....nagtaka ako...

"P--pinapabigay n--ni Rain!" iniabot nya ung pitaka... bakit kaya? kanino ito?

"Salamat, pero pano napunta sakanya to?! San nga pala siya?"humagulhol naman ung babae

" H--hindi mo ba nabalitaan? Nabunggo siya kahapon sa may feseral road. Pinulot nya tong pitaka mo. Pinigilan ko siya pero kinuha nya pa rin.. pupulutin nya na sana kaso... kaso... nabunggo siya! Wala na si Rain Aaron! Wala na sya!"

" NILOLOKO MO BA AKO?! HA?!" Hindi totoo.. hindi pa patay si Rain

"Totoo ang sinasabi ko!"

" HINDI TOTOO YAN! NILOLOKO MO LANG AKO!"

"PUMUNTA KA SA ***** HOSPITAL PARA MAKITA MO SIYA! YUN ANG HULING BILIN NYA SAAKIN.. Ang makita mo siya, bago siya ilibing!"tumakbo na ako patungo sa hospital.. papatunayan kong buhay pa sa Rain...

*****************

Sa hospital

"Rain Yssabelle Olicarte po!!" tiningnan ako nung nurse

"Room 204 po! pero--"tumakbo ako agad papuntang room 204................

pagdating ko.. tumulo na ang luhang gusto nang lumabas kanina pa... hindi...hindi to pwede... bakit mo ako iniwan!!! Rain... mahal na mahal kita!!! napaluhod ako habang tinitingnan ang malamig nyang bangkay... Ako ang dapat sisihin dito! Kung hindi dahil sa pitaka ko hindi sana mangyayari ito!!!

Pitaka (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon