༻18༺

230 3 2
                                    

Pagdating ng Sabado, maagang nagising si Kelsey dahil kailangan lunch time naroon na sila sa bahay ng tita niya sa Bulacan dahil birthday nito at marami-rami ang bisitang pupunta. Nang marating sila ng mga alas-onse roon agad na pinakain sila. Maraming nagkw-kwentuhan kaya't 'di makabuwelo ng daldahan rin sila Kelsey at si Addie na pinsan niya. Close silang dalawa ngunit hindi sila gaano nagkikita these past few weeks dahil busy sa kanilang ginagawa sa school. Si Addie ay isang 2nd year psychology student rin pero sa Ateneo nag aaral. Ngunit mas matanda nga lang ng isang taon si Kelsey sa kaniya dahil late itong nag-aral.

Habang kumukha ng pagkain si Kelsey. Lumapit ang kanyang tita Georgie, isa sa mga pinsan ng kanyang mommy. "Ang ganda-ganda mo naman, Kelsey! At sexy at ang tangkad mo pa," puri ng kanyang tita.

She smiled gratefully at her, but before she could thank her. Her tita spoke again. "May boyfriend ka na ba?"

Nakita ni Kelsey ang paglapit ng kanyang mommy at ni tita Penny kung saan siya nakatayo. Before she could open her mouth, her mother spoke for her. "Wala naman niyang boyfriend..."

Kelsey huffed in response. "Meron ah!"

Ikinagulat 'yun ng kanyang mommy at ng mga tita niya.

"Eh, meron pala, Julia eh! Ikaw talaga!" Saway ng tita Goergie sa mommy niya.

"Sino 'yun?" Kunot-noo na tanong ng mommy ni Kelsey sa kanya.

"Secret!"

"What???" Addie gasped when she stood near Kelsey. "May boyfriend ka na ate Kels?"

"Yes!" Kelsey answered her cousin proudly with a huge grin on her face.

"OMG! Tell me more!" Sabi ni Addie.

Naglalakad na papalayo sila Addie at Kelsey para makapag-usap privately pero biglang tinawag si Kelsey ng kanyang mommy.

"Tingnan mo nga siya, Penn. Mukha kasing kulang na siya sa dugo eh. 'Di rin siya gaano kumakain pero lagi nag-eexercise."

Tiningnan ni Tita Penny ang labi ni Kelsey at ang kanyang palad kung namumutla ngunit hindi naman.

"Sige, magpablood chem nalang ikaw. Magpapatawag lang ako ng tao sa ospital," sabi sa kanya ng tita niya at bago pa makapagsalita si Kelsey ay dire-diretso nang umalis ang tita niya sa harapan niya.

She sighed as she looked down at her hands.

Fifteen minutes later, may pumasok na lalaking maputi at nakaputing uniporme rin ito at may dalang maliit na clear box kung saan nakalagay ang mga gagamit para blood chem niya sa cabana kung saan sila kumakain. Nag-iwas agad ng tingin si Kelsey sa lalaki.

Hindi naman siya takot sa injection. Mas duwag pa nga si Addie eh ngunit ayaw lang niya talaga magpakuha ng dugo ngayong araw.

Nagloves ang lalaki sa harapan niya at nagsuot ng surgical mask, nakikita lang niya sa kanyang peripheral vision habang nakaismid siya. Nang lumuhod ang lalaki bigla nalang napatingin siya sa lalaki. Nanlaki ang mata niya bago siya ngumuso.

"Ayun yung upuan, oh. Pwede ka naman umupo habang ginagawa mo ito," sabi ni Kelsey sa medtech na kaharap niya.

""Wag na." Umiling ang lalaki at nagkatinginan sila saglit. Muling nanlaki ang mata ni Kelsey dahil sa tinginang iyon. "I need your arm." Mabilis na binaba ni Kelsey ang paningin niya sa I.D ng lalaki na nakasabit sa left chest part ng kanyang uniform. Agad na nakumpirma ni Kelsey 'yun.

"Hey..." aniya ng lalaki, medyo naiinis na sa kanya.

Ang sungit naman pala nito. Isip-isip ni Kelsey.

"Sorry," Kelsey mumbled and offered her arm to the medtech so he could already start the blood chem.

"Just relax," he told her, his voice husky at kinagulat 'yun ni Kelsey.

Nang matapos ang pagkuha ng dugo kay Kelsey, agad na kinuha niya ang cellphone niya para i-text ang mga kaibigan niya.

Shut Up, I Love You (ILY Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon