What is Love? [One Shot]

14.7K 252 148
                                    

Love is Blind daw sabi ni pinsan hahahah!

Hello Readers, ONE SHOT ULIT ITO, hehe para sa mga nagmamahal sa mga one shot story ko hehehe ^__^ Umandar lang naman kasi ang kakulitan ng ate CL niyo e. 

Dedicated ko din ito kay MIKOY MORALES kong mahal hehe ^__^ .E kasi naman napaniginipan ko siya kagabi. Bumisita daw siya sa amin, nag kausap, nagkwentuhan, bonding at pati picturan nyaaaaks over KILIG yun guys ahaha! (insert over flowing kilig please hihi ^___^. Di lang yun ah? Ni-hug niya padaw ako like yung yakap niya sakin nung first meet and greet niya ayyyyyieee Great Dream ever!

Okay this is it na!

CLsakuraloves presents

                                                                           What is Love?

                                                               written by: CLsakuraloves

                                          © March 02,2013 by CeeryL. All rights reserved.

**CLnote: singit ko lang - nagawan na ang SEQUEL nito kaya kung sa tingin niyo po'y bitin kayo, CHECK MY ONE SHOTS COLLECTION andyan po sa external link SALAMAT :)

What is Love? Aba'y ewan ko, kaya nga tinatanong ko di ba?

Break time namin kasama ko sina Eureka na bestfriend ko at ang boyfriend niyang si Drew.

Always naman e. At kung di niyo pa alam topakin ako kung minsan kung anu ano nalang ang tinatanong ko, mapa nonsense thingy basta may masabi lang hahaha! Tulad nalang ngayon.

"Bes, ano kasi pangalan ni ANO?"

"Nino?"

"Ni ANO.."

"Sinung ano nga?"

"Hindi ko alam kaya nga tinatanong ko di ba?"

"E try mo kayang idescribe yung tinutukoy mo para maintindihan kita"

"Di ko alam e."

"aysssooosss" sabay nilang sabi ni Drew. Ahaha! Wala lang kasi akong magawa kaya yun.. Hmm isip nga ako ng magandang tanong..

5

4

3

2

1

A-------------HA!

"Bes may itatanong ako ulit"

"Ano nanaman ba iyan? Ikaw Cassie huh? Kapag yan kalokohan nanaman sasabunutan na kita" ay ako nga pala yun.. si CASSIE hahaha akalain niyo may pangalan pala ko.

"Taray mo naman Bes, hindi ito kalokohan SWEAR, mamatay man siya" turo ko kay Drew na walang kibo hahah!

"Idamay ba ang honey ko! O sige na nga ano yun?"

"Bes, What is Love?"

"Anong ba namang tanong yan Bes? Love ba kamo? Alam mo na iyon" sabay yakap niya kay Drew .. Ayihh kilig much hihihi at yun ang love para sa kanya. Three months na sila mag jowa at feeling ko magtatagal naman sila, going strong e, ako kaya ang bridge nila.

And knowing Eureka, super duper inlove yan kay Drew kaya nga lahat ginawa ko para lang paglapitin ang dalawa. Nahirapan ako nung una e pano ba naman hearttrob ang lolo natin, pagkatransfer palang niya sikat na, tinitilian pa. Hindi ko itatangging crush ko si Drew pero itong bestfriend ko patay na patay dito at kahit nung di pa sila close e mahal na mahal na daw niya ito kaya yun sabi ko sa sarili ko. Sa kanya nalang tutal CRUSH lang naman yon e.

What is Love? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon