I

14 4 0
                                    

Sa paglubog ng araw ay siyang hudyat ng pagtatapos nang ating kwento. Akin nang isasara ang pinakahuling pahina, at nanamnamin ang nahuhuling mga sandali na yakap, at kasama ka.

Dahil sa susunod na pagtaas nito, ay panibago namang kwento ang magbubukas at magsisimula. Bagong buhay, pagkakataon, at pangyayari naman ang mangyayari na kung saan hindi na kita kasama. At kung saan wala nang tayo.

Kung kaya't gusto kong sabihin sa iyo ang mga salitang ito. 'PAALAM', dahil dito na nagwawakas ang ating matagal na pinagsamahan at sinimulang kwento. 'PATAWAD', dahil hindi na kita kaya pang samahan sa iyong paglalakbay tungo sa iyong inaasam. 'SALAMAT', para sa mga pagkakataon at panahong tayo ay magkasama at masayang nagmamahalan.

Nawa'y mahanap mo na ang saya at halaga na minsan mong hinanap noong may tayo pa. Akin ring ipinagdarasal na sana maging masaya at kuntento ka na sa piling niya.

12 Stories For A YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon