[9] him

106 17 16
                                    

At kagaya nga ng gusto niyang mangyari, sinamahan nya ako sa bahay na umuwi through commute. Although I insisted na kahit ako na nga lang since kaya ko naman. Lilimitahan ko na lang ang mga dadalhin kong mga kagamitan. He also insisted na sumama dahil gusto rin daw niyang makita ang bahay namin.

What a logical reason.

"Ang layo pala ng bahay nyo," sabi niya, habang nakasakay pa rin kami sa bus na tinatahak ang service road pa-Laguna. Kaka-exit lang namin ng SLEX.

See? He's now complaining.

"Partida di pa tayo nakakababa ng bus," sabi ko sa kanya.

He looked at me, then he smiled.

"You'll travel this far sa pagdadala ng mga gamit mo. It's a good idea na sumama ako." Sabi naman nya.

Napaiwas ako ng tingin, at bumuntong-hininga na lang ako.

Yep. Logical reason.

Tumingin na lang ako sa glass window ng bus. Malapit na kami sa terminal. No, actually nasa terminal na kami, pababa na rin kami.

After finally arriving at the terminal station, naghanap na kami ng tricycle papunta sa mismong compound namin. Gusto ko na nga lang sanang lakarin para tipid sa pamasahe kaya lang kasama ko si Creed. Di ko sure kung gusto rin nyang maglakad pero nakakahiya namang ayain sya.

"Kuya, kabila po?" Tanong ko sa tricycle driver.

"Kabila." Sabi naman ni kuya.

I looked at Creed, at sinenyasan ko sya na sumakay na kami. He just smiled at parehas na nga kaming sumakay.

After more or less 10 minutes, nakarating na rin kami sa compound namin. At habang nakasakay sa tricycle, pinapanalangin ko na sana tulog na lahat ng kapitbahay namin para diri-diretso lang kami ni Creed nang walang nakakakita sa'min.

Charez para naman kaming forbidden partner na nasa teleserye.

And then, balak ko sana, aalis na lang din kami ng maaga bukas para walang makakita sa amin na kapitbahay.

Hay naku. Perks of having nosy neighbors.

Pagkababa namin ng tricycle ay naglakad na kami ni Creed papasok sa iskinita. Nasa looban pa kasi ang bahay namin.

"Omi, ok ka lang? Nagmamadali ka ata." Tanong ni Creed.

"Shhh," I just hissed para walang makarinig sa amin.

Nang malapit na kami sa may bahay namin ay napansin ko na bukas ilaw sa balkonahe ng kapitbahay namin na sina aling Nene.

And then there, nakita ko 'yung mga kaibigan kong sina Ella na nagchichismisan.

I almost face-palmed.

"Nandito na pala si Udoy eh," sabi ni Ella. Medyo pinanlakihan ko naman sya ng mata dahil first of all, ang baho ng nick name ko.

Pangalawa, kasama ko si Creed.

Utang na loob.

"Ginagawa nyo pa dyan? Gabi na mga 'te," sabi ko naman sa kanila.

But instead na sagutin ang tanong ko ay binigyan nila ako ng meaningful look.

I looked at Creed. Napatigil na rin sya sa paglalakad kagaya ko, and I can sense now that he's being uncomfortable.

Gusto kong sabihin sa kanya na 'told you, may kawala ka nga sa mga marites dito, wala ka namang takas sa mga kaibigan ko.

"Tumigil kayo, mga bading. Workmate ko 'yan, si Creed." Sabi ko na lang kina Ella.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now