Copyright © 2013 by Witchlover_exodus548
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
A/N : Hope magustuhan niyo. Story related to the song of Never The Strangers.
(Play the song on the side.) -----------------à
*********
“Diba dito tayo nagkakilala?” Sabi sa akin ni Mae ang aking kaibigan.
“Ah Oo… Naalala ko pa nga noon eh yung nabuhos mong juice sa akin..” andito kami ngayon sa isang Park… Naisipan kong balikan yung mga lugar kung saaan kami nag kakilala.
“Eh ikaw kasi eh, di tumitingin sa dinadaanan hahaha..” sabi naman niya
“Haha ou nga eh, naalala mo pa pala yun?” tanung ko sabay tingin sa kanya
“Ou naman! May cancer ako pero di ako ulyanin…” napatahimik siya.
May sakit kasi siya kaya naisipan kong ilibot siya kung saan kami nagkakilala…
“Ah upo muna tayo doon oh.” turo ko dun sa Bench.
Habang paupo kami narinig niya yung kanta na pinapatugtog ng nakaupo dun..
♪~Bago mahuli ang lahat…
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya
Bago mahuli ang lahat.. ♪~
“My favorite song” pabulong niyang sabi
“Bakit naman?” Tanong ko habang paupo na kami.
“Wala lang nag LSS lang kasi siya sa akin noon eh.”
“Ganun lang?”
“Oo. Tsaka may meaning naman kasi yung song eh.” tapos ay nanahimik muna kami at nag pahinga na rin muna kakalakad.
Ilang oras din kaming nagkwentuhan ng masasayang bagay na nangyari sa amin noon. Dina naming napansin ang paglubog ng araw.
“Tara uwi na tayo, pagabi na rin oh kanina pa tayo naglilibot baka gabihin tayo.” pag aaya ko sakanya.
“Oh sige, nag enjoy rin naman ako eh. Pasundo nalang tayo sa driver naming sa kanto nalang tayo pagod na rin kasi ako kakalakad eh.”
“kung yun ang gusto mo..” at tumayo na kami tsaka nagsimulang maglakad.
“Ah Adrian!” Sigaw niya habang tuloy pa rin kami sa paglalakad.
“Bakit?” tanong ko
“Wala lang, gusto ko lang magpasalamat kasi ipinasyal mo ako, bestfriend talaga kita.” tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad habang nakatingin sa daan.
Pinilit kong ngumiti at sinabing. “Walang anuman yon, Syempre BEST FRIEND kita eh.”
“Haha ang bait mo talaga. Bukas na rin pala ang lipad ko papuntang US para sa operasyon ko. Ilang araw din akong mawawala at di ko alam kung makakabalik pa ako.” Biglang lumungkot ang boses niya at natahimik kaming pareho pero dumating na yung sundo niya
“Ayan na yung sundo mo, sige una kana, magcocommute nalang ako.” tapos umalis na ako at umuwi na.
*********************
BINABASA MO ANG
Bago Mahuli Ang Lahat ( One - Shot )
Teen FictionBago mahuli ang lahat, nasabi mo na ba ang gusto mong sabihin? Sana Oo. Kung Hindi, sana hindi pa huli ang lahat para sayo... :)