"Anak, ampon ka lang." ang sabi ni Itay sa akin habang sinusuklayan ang buhok ko; limang taon pa lamang ako noon.
Bakit naman ang aga, tay? Hindi mo nalang sana sinabi sa akin iyon, hinintay mo lang man sana na mag 10 o kaya 12 years old ako. The earlier I know, the better? Sige sabihin na nga nating ganun, pero ang sakit sakit na marinig yun. Sanang hindi ko nalang nalaman nang hindi ako pinagtawanan ng mga bata sa paaralan, nang sana'y hindi napalayo ang loob ko sa'yo. Ang sabi mo noon sa akin mas maiintindihan ko yan pag tanda ko, pero ano na, hindi ko pa rin naiintindihan, wala pa rin akong maunawaan.
Ang sabi nila sa akin, hindi mo raw ako mahal; ang sabi nila sa akin, hindi raw ako nabibilang sa pamilya mo kahit tayo lang naman dalawa ang magkasama. Dalawa lang tayo, wala kang kamag-anak dito sa Tarlac, lahat sila nasa Mindanao, ewan ko nga rin kung paano ka napadpad dito e. Hindi pa ako magiisang taong gulang nang kinuha moko sa bahay ampunan. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam noong una mo akong binuhat at iniiiiikot-ikot hanggang sa ako'y makatulog. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang itinuring kong pamilya, pero pakisabi sa akin, tay.
Bakit napakaaga naman ata.
Naaalala mo pa ba nung nawala ako sa mall? Hingal na hingal ka sa kaka hanap sa akin. Oo, pinagalitan moko dahil pumunta ako sa isang restaurant nang hindi nagpapaalam sa iyo; nakita ko nga kung paano kumunot ang noo mo at nagkasalubong ang mga kilay mo, pero...
Hindi ko naramdaman na ampon lang ako.
Pagkatapos mo akong pagsabihan ay iniupo mo ako sa isang bangko, at pumunta ka sa cashier para mag order ng makakain natin. Habang hinihintay natin na makarating ang order natin, kandong mo ako at yakap yakap. Pagkatapos nating kumain, hawak kamay tayong naglakad palabas sa mall. At magkatabi tayong natulog nang gabing iyon.
Kinabukasan noon, nagising ako sa mga boses na para bang nagpapaligsahan kung sino ba ang pinakamalakas. Lumabas ako sa ating kwarto at nakita kitang nakikipagtalo sa isang babaeng ka-edad mo lamang. Nagtago ako at nakinig ako nang mabuti sa kung anong pinagtatalunan ninyo.
"Ang lakas talaga ng loob mo na mag-ampon ng bata, ano? Parang wala kang anak sa akin" mariin na pagkakasabi ng babae.
"Mas pipiliin ko ang inampon kong bata kaysa sa anak mong walang respeto sa akin."
"E, bakit? Karespe-respeto ka ba? Tingnan mo nga sarili mo! Ang luma luma na ng bahay na to at BAKBAK NA ang pintura sa mga dingding. Ni hindi mo man nga malinis ang sapot ng mga gagamba dito."
"Ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa, at mahalaga rin na hindi ko siya pinapakain ng kung ano anong kasinungalingan."
"Totoo ang lahat ng sinasabi ko sa aking anak, Ramil," dinuro duro ng babae ang tatay ko, "totoo naman na isa kang PABAYA at IRESPONSABLENG AMA."
Yumuko si 'tay at matagal siyang nanahimik bago siya magsalita ulit, "Ano ba talaga ang pakay mo dito, Bridgette? Bakit mo ba kami ginugulo ng anak ko?"
"Hoy, Ramil! Baka nakakalimutan mong kailangan mo pa rin magbigay ng child support. Divorced lang tayo at nasa akin ang kustodya sa bata, pero kailangan mo pa rin magbigay ng sustento. Ayon sa batas, maari kitang ipakulong kung hindi ka magbibigay!"
"Magkano ba ang kailangan mo? Napakaingay mo umagang umaga."
"Limang libo, kakasya na yun sa isang linggo."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Bridgette? Ang limang libo sapat na iyon sa isang buwan."
"Ibibigay mo ba o hinde?" Itinaas niya ang kaniyang palad, naghihintay na malagyan ito ng pera.
YOU ARE READING
Sugar-Coated
Short StoryA compilation of one-shots. Several stories of heartbreak, abuse, justice, and freedom. Journey with our characters and find out what lies ahead of them. *This is a Tagalog-English story.*