MSD Chapter 1

12 0 0
                                    

ANGELI's POV

Heto na, first day na ulit ng klase. Last year ko na sa St. Therese Academy. 4th Year na ako! Akalain niyo yun, ang bilis ng panahon. Parang kindergarten student lang dati ako dito tapos ngayon pa-graduate na. As usual, sila-sila pa din ang nakikita ko dito. Ang mga "MEAN GIRLS" na walang ginawa kundi mag-ayos ng sarili sa CR at mam-bash ng mga babaeng hindi nila gusto. Ang mga "MAYAYABANG NA LALAKI" na laging nakaabang sa mga hallway ng mga classroom para mag-abang ng pwedeng pagtripan. At ang bestfriend kong si Kyla na laging may dalang camera, kinareer niya ang pagiging photojournalist.

"Angeli, pose ka dali." Sigaw ni Kyla habang pinusisyon niya ang camera niya para kunan ako ng litrato.

"Ikaw na Kyla, Ikaw na ang PHOTOJOURNALIST." Pabiro kong sabi, natatawa kasi ako lahat na lang pinipicturan niya.

"Naman, ako pa. Anyways, alam mo na ba?"

"Alam ang alin?" tanong ko sakanya, lakas maka-cliff hanger si bestfriend eh

"Na kaklase natin si Joshua!" sigaw niya na napatingin sa amin ang lahat ng dumadaan sa hallway

"As in si Joshua Kyle Angeles? What?! I thought hindi na siya mag-aaral dito?" tanong ko ulit kay Kyla. Si Joshua lang naman kasi ang pinakasagabal sa pagkamit ko ng Valedictorian throne. Hindi ko alam kung anong meron siya pero hindi ko siya nakikitang nag-aaral at lagi siyang gumigimik to think na lagi ko siyang katapat sa lahat ng bagay!

"I have no idea din bes eh. Diba he said na if you won on being the president of Student Council lilipat na siya. Pero, hindi bes eh, nakita ko talaga name niya sa list." She said na nagtataka din

"Ughh! I really hate that guy! Sagabal! Walang isang salita!!" sigaw ko na may halong mabibigat na padyak na naiinis na talaga ako

Naalala ko pa yung ginawa niya nung 1st Year kami, lagi niyang kinukuha mga ballpen ko kaya one time nag-quiz kami walang natirang ballpen sakin kaya nanghiram ako sa katabi ko kaso sa kasamaang palad nakita ako ng teacher ko kaya napagalitan ako, bakit daw hindi ako nagdadala ng ballpen pero hindi alam ni Ma'am na kinukuha ni Joshua mga ballpen ko! Pati nung 3rd Year, campaign para Student Council, since maliliit lang mga flyers ko at tarpaulin yung sakanyan, tinakpan ba naman?! Ughh! Good things at ako ang nanalo! Karma nga naman.

"Hi Ms. President, ako ba ang pinag-uusapan niyo?" may nagsalita sa likuran ko pero boses palang alam kong si Joshua yun. Tumalikod ako para tignan siya.

"What made you think na ikaw ang pinag-uusapan namin? Ganun k aba kaimportante para pag-usapan?" I just gave him an angry look

"Malay ko naman kung may gusto ka na sa akin Angeli at ayaw mo lang sabihin." Tumabi siya sa akin at inakbayan ako at tumawa naman ang mga kaibigan niya

"Hey, lumayo ka nga sa akin! Akala ko ba lilipat ka na ng school kapag nanalo ako as President eh bakit nandito ka?" tinggal ko yung kamay niya na nakaakbay sa akin

"Sayang naman kasi kung lilipat ako. Tsaka baka wala akong mapagtripan kung sakaling lilipat ako. Atleast dito, nandito ka at may mapapagtripan ako." He smirk. Nang-iinis talaga siya. Umalis na siya sa tabi ko at papasok na sa classroom kasama ang mga kaibigan niya.

"How could you Mr. Angeles! Hindi ako laruan para pagtripan! Buti nga di ka nanalo kasi nakikita ko na WALA KANG ISANG SALITA!" sigaw ko habang naglalakad sila, pilit akong pinipigilan ni Kyla kasi nakatingin na mga students sa amin. Tumingin muli si Joshua sa akin.

"Bakit ka ba nagkakaganyan, Ms. Manahan? Natatakot ka ba kasi nandito na naman ulit ako at may kalaban ka na naman sa lahat ng bagay? Bakit Angeli, Am I your greatest rival here? Stop acting like a kid." Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at ako naman hindi makatingin ng maayos sa kanya. Ayoko umain na natatakot ako. Ayoko, kasi parang sinabi ko na rin na mahina ako at hindi ko siyang kayang lamangan. "Tignan mo na, hindi ka makasagot kasi tingin mo sa akin isang malaking sagabal sayo, you know what I will still do my best just to be on top and I hope you too."

"Joshua..." pinigilan ako ni Kyla sa pagsagot kay Joshua

"Tama na bes. Alalahanin mo ikaw si Angeli Claire Manahan ang student council president, show them that their votes are worth it." Bulong ni Kyla sa akin, tumingin ako sa paligid at silang lahat ay nakatingin na sa akin.

Lumakad na papalayo si Joshua at ang mga kaibigan niya. Pero nakatingin parin ang mga students sa akin.

"I'm so sorry for what happened earlier." Yan na lang ang nasabi ko dahil sa kahihiyan. At nagsipasukan na sila sa kani-kanilang mga classroom. Kami naman ni Kyla ay dumiretso na sa classroom namin.

Nang papasok na kami sa classromm. Marami na ang mga nandoon pero wala pa ang adviser namin. Umupo kami ni Kyla sa second row. Andun na rin pala sila Joshua na nakaupo sa last row. Nagtatawanan, hindi ko na siya tinignan ng matagal at baka kung ano pa ang isipin niya. Actually we're friends before. Magkaibigan na kami since 1st grade palang pero nagkaroon ng lamat yung friendship namin nung 5th grade, bigla na lang siyang nagbago tsaka lagi niya na akong niloloko pero that time nakakabond ko pa siya pero di na ganun ka super bond. Yung totally na hindi na kami nag-uusap noong grade 6. Tapos dati, nasa 5th lang rank niya tapos biglang nasa 2nd na siya. magsimula noon lagi na siyang nakikipag-compete sa akin. Magsimula noon hindi na kami nagkasundo.

Nagsimula ang klase. Nagkabotohan na sa classroom officers. Nakuha ko ang President at si Joshua naman ang vice. Si Kyla naman Treasurer. Hindi na ako nag-react na vice president siya at baka magkaroon na naman ng eksena. Wala naman masyadong ginawa today. Orientation lang since first day nga.

"Oh, ikaw na naman ang President. Galingan mo hah." Sinabi ni Joshua habang naglalakad kami ni Kyla palabas ng school para umuwi

"Ano ba talaga problema mo sakin Joshua, bat lagi mo akong iniinis?" huminga ako ng malalim para mapigilan ko ang pagkairita ko sakanya

"Wala naman, gusto ko lang inisin ka. Ang cute mo kasi kapag naiinis eh." Tumawa lang siya tsaka naglakad papalayo!

"Ughh! Kelan k aba magbabago! Naiinis na talaga ako sayo!" sigaw ko nang makalayo na sila

"Hayaan mo na Angeli. Tara na uwi na tayo." Sabi ni Kyla tsaka hinila ako palabas ng campus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweetest Downfall [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon