CHAPTER THIRTEEN

21 12 0
                                    

HINDI ko alam kung anong real score namin ni Neev matapos ang nangyari nung nakaraan. Halos isang linggo na din ang nakakalipas nang pumunta kaming anim sa bahay bakasyunan nila.

Pagkauwi namin ay iba na ang tingin sa akin ni Neev para bang ayaw na akong pakawalan sa nga tingin niyang iyon. Kinabahan din ako dahil sa gustong gusto na niyang sabihin kay Papa ang totoo na gusto niya ako maging kasintahan.

Kahit naman nagtatrabaho si Papa sa kanila ay papayag kaya siya kay Neev na ligawan ako?

"Niamh. Kanina ka pa tulala d'yan. May problema ka ba? Sabihin mo sa amin baka makatulong kami" si Krasinda na naglalagay ng powder sa kanyang mukha.

Napansin ko din ang biglang pag iwas niya sa dating kasamahan, humiwalay na daw kasi ang mga ito sa kanya at umalis na din sa grupo namin buti na lamang at may nakuha agad ang Mommy nitong si Krasinda na nagtuturo din sa amin ng pamalit sa umalis.

"Wala naman Krasinda. Okay lang ako" ani ko.

"Aysus ayan ay huwag mo ng pansinin Krasinda dahil iyan ay pumapag ibig lamang" sabat ni Sean. "Ano na nga ba ang status n'yong dalawa? Eh kung wala pa ba't kabagal naman niyan?"

"Gawin mo na nga lamang ang part mo sa thesis Sean wag mo na muna ako guluhin patungkol diyan"

"Nako nako sige ka, ikaw din madaming magagandang babae sa maynila baka mahuli ang lahat Niamh kung ako sayo kikilos na ako" ani Sean bago nagbuklat ulit ng libro.

𝑀𝑎𝑑𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑦𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑏𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎ℎ𝑢𝑙𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡.......

Ganon kaya ang nangyayari ngayon doon kay Neev?

Bigla kong tiningnan ang cell phone na keypad at tiningnan kung may messages na galing sa kanya pero ni isa ay wala pa akong natatanggap.

Kumusta na kaya sya?

Hindi na tuloy ako mapakali sa maghapon dahil sa sinabi kanina ni Sean. Hanggang sa matapos ang buong klase ay ramdam ko ang bigat sa aking ulo.

Para bang pasan ko na lahat ng problema kasama ang problema ng ibang tao sa bigat. Naiiyak na din ako.

Paano nga kung mayroon na s'yang nakilala na taga maynila din?

Ramdam ko din ang bigat ng katawan ko at ang lamig na din ng pakiramdam ko.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Sean.

"Hala ka. Ang init mo Niamh" ani Sean at hinipo ang noo ko. "Ang init mo nga. Nilalagnat ka"

Ganon din ang ginawa ni Krasinda.

"Umuwi na agad tayo ihatid na muna natin si Niamh para makapagpahinga agad sya" narinig kong sabi ni Krasinda.

"Mabuti pa nga. Kaya pala ang tahimik nito kanina"

"Sige tayo na. May mga praktis naman ang dalawa"

Agad pumara ng tricycle ang dalawa at pinauna akong pinapasok.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa naramdamang lamig.

"Kaya mo pa Niahm? Nahihilo ka ba?" tanong ni Krasinda sa tabi ko.

Umiling ako. "Hindi naman"

"Konting tiis nalang ha malapit na tayo"

Ilang minuto pa ay tumigil ang tricycle at unang lumabas si Krasinda upang magbayad at pagkatapos ay inalalayan nila ako si Sean na pala ang nagbitbit ng bag ko.

"Tita" ani Sean at sinalubong niya ito bago sila nag mano kay Mama at ako naman ang huli.

Nagulat si Mama nang makita ang itsura ko.

DOCTOR SERIES 4: ALWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon