Grabe talaga siya! Ang sama! Kapag ako talaga napuno sa kanya itutuloy ko ang pagmama -massacre sa kanya! Bwisit siya!
"Oh tama na 'yan Nikki, masyado ka na namang highblood, tumigil ka na nga sa pag-iisip tungkol sa massacre plan mo sa Jayden na 'yan!" Sabi ng bff kong si Yawn.
"Ha? Paano mo naman nalaman na 'yon ang iniisip ko? Mind reader ka ba best?"
"Anong mind reader mind reader ka diyan? Paanong 'di ko malalaman na 'yon ang iniisip mo e sa tuwing binibwiset ka niya 'yon lang naman ang lagi mong bukambibig?"
"Promise talaga! This time itutuloy ko na ang paghulog ko sa kanya sa third floor ng campus, ay wait mali, dapat pala sa pinakatuktok na para wala ng chance na mabuhay pa siya." Ini-imagine ko na sa isip ko kung paano ko ba gagawin ang plano ko, kahit na alam ko naman talaga sa sarili ko na drawing lang ang lahat ng 'to. Syempre hindi ko naman kayang gawin 'yon, pero sa sobrang inis ko sa kanya gustong-gusto ko na talaga siyang tirisin.
"Talaga lang ha? As if namang kaya mo nga 'yong gawin sa mortal enemy mo slash long-time cr—" hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya.
"Ano ba best! Wag ka ngang maingay diyan! Napakadaldal mo kahit kailan!"
"See? You can't do it dahil kahit na anong pang-iinis ang gawin niya sa 'yo, hinding hindi pa rin magbabago ang nararamdaman mo para sa kanya."
Ano ba 'yan, bakit kasi sa dinami-dami pa ng pwedeng magustuhan siya pa? Alam niyo 'yon? Kung sino pa 'yong laging nang-iinis sa akin siya pa 'tong natipuhan ko. Siya lang naman ang nag-iisang bully sa buhay ko, si Jayden. Ang palaging nanti-trip sa akin pero sa kabila ng lahat ng mga ito ay hindi ko maintindihan kung bakit di siya maalis sa isip ko.
"Oo na, hindi ko nga 'yon kayang gawin dahil unang-una masyado pa akong bata para makulong. Pangalawa, hindi bagay ang ganda ko sa maliit at masikip na selda, dapat sa akin pinaparada."
Inirapan niya ako bago siya nagsalita ulit.
"Hindi nga? Talaga lang ha?"
"Oo kaya tara na, wag ka nang umangal kung ayaw mong sa 'yo ko gawin ang massacre plan ko na dapat sana ay sa kanya."
"Sabi ko nga . Ito na nga o, naglalakad na ako. Ito naman hindi mabiro."
"Hahaha, the best talaga ang mga joke mo pare!" tawanan ng mga barkada ni Jayden the bully habang nasa canteen. Take note, magkalapit lang ang table namin ni bff Yawn sa kanila kaya naman kitang-kita ko sila mula sa kinauuupuan ko.
"Oo nga pare, akalain mo 'yon? Pati ba naman si Ma'am Sancho naloko niya? Haha, grabe ka 'tol, hanep!" Sabi pa ng isa niyang barkada.
"Ganon talaga mga 'pre, eh sa magaling talaga ako, anong magagawa ko?" Sabi ni Jayden.
Ah ganon? So dapat talaga pinagmamayabang ang kalokohan niya? Ayos ka rin talaga... sa hindi malamang dahilan bigla na lang akong napalingon sa puwesto niya pero nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin.
OMG! Mala-anghel talaga ang mga titig niya... kaya lang 'yong ugali hindi!
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at sumubo ng pagkain para naman 'di ako masyadong halata, chika-chika rin ng konti kay Yawn para kunwari walang nakikita.
"Pssst..."
"Pssst..."
"Pssst..."
Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala naman. Walanjo! Sino ba 'yong sumisitsit?
"Pssst..."
"Pssst..."
Lingon ulit, wala pa rin. What the fudge-?! Ano to? Sinong nagbato ng papel? Dapat talaga sakto sa kinakain ko? Ano 'to bagong toppings?
Nilibot ko ng tingin ang nasa paligid ko at ayon nagtatawanan ang mga kaibigan ni Jayden, isa lang ang ibig sabihin nito... yari ka talaga sa akin bully ka!
Tumayo ako habang hawak-hawak pa rin ang bola ng papel na binato niya, habang papalapit ako sa kanila narinig ko ang isang barkada niyang nagsalita.
"Nako yari ka Jayden! Nagalit yata!"
"Hoy Ikaw! Ang kapal mo naman para babuyin ang kinakain ko, bakit wala ka bang matinong magawa? Akala mo ba nakakatuwa 'yang mga joke mo? Kung para sa 'yo nakakatuwa, sa akin hindi! Alam mo ba ang pakiramdam ng mapagtawanan sa harap ng maraming tao, ha? Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha mo grabe 'di ko ma-reach." Napakalakas ng pagkakasabi ko at sa tingin ko ay napasigaw na talaga ako kaya naman halos buong atensyon ng lahat ng tao nasa akin.
"Ano bang iniingay mo diyan? Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ko?" Walang-gana niyang sagot.
"Ako? Nakakaistorbo? Aba talaga, ako pa talaga ang nakakaistorbo? Sino kaya itong nambabato ng papel sa pagkain ng ibang tao?"
"Excuse me lang ha, binasa mo man lang ba kung anong nakasulat sa papel na 'yan?" Sabay turo niya sa papel na binato niya sa kinakain ko kanina.
"At bakit naman ako mag-aaksaya ng oras para basahin lang ang walang kwentang sulat sa walang kwentang papel na ito na isinulat ng isang walang kwentang tao?" Talagang ipinagduldulan ko ang salitang walang kwenta.
"Awww, masakit 'yon tol!" Pang-aasar ng mga kasama niya. Nainis ata siya kaya padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya na siya naming ikinagulat ko. Nako galit na ata siya sa akin, baka tuluyan ako nito.
Akala ko kung ano na ang gagawin niya nang bigla niyang inagaw ang papel na hawak ko at saka binuksan iyon mula sa pagkakalukot nito. Itinapat niya ito sa akin para mabasa ko ang nakasulat doon ng malinaw:
"Will you go out on a date with me?"
End of first half.
BINABASA MO ANG
I'm In love with the School's Bully? (One-shot story)
Teen FictionNaging crush mo ang taong pinaka-kinaiinisan mo? Kakaiba pero 'di ba nga, "The more you hate, the more you love?"